![]() |
Ang cute lang ng rabbit, sarap sipain. |
Yes yes yes I know. Late. But no worries. I'm catching up on lots of randoms. 16 randoms. WTF.
Random 59: Parang gusto ng patayin ng nanay ko direktor ng Mara Clara, bakit daw ang panget ni Jongs at shunga2 ni Mara para hindi pagkatiwalaan magulang nya. Haha. Okay ma, epektibo ang direktor.
Random 60: Nagsayang ako ng mahigit 30 minutos para lang basahin ang kwento ni Sarah at Rayver. Eto lang masasabi ko. Cristine, ang landi mo. Rayver, ang pervert mo to the infinite level. Sa bagay, kung ako si Rayver talagang papatulan ko si Cristine dahil hello? Cristine yan. Cristine na makinis at seksi. Pwede ko naman sigurong pagtyagaan ang maliit nyang utak and let my libido handle the relationship. :)))) Fcuk. Why the hell I'm saying this for?
Random 61: Masarap mageksam ng sunod sunod. Tipong 12 oras kang nag-aral para sa isang subject tapos pagkatapos magsagot eh alam na alam mong babagsak ka pa rin. Saya.
Random 62: Siguro kung may pa-contest lang ng may pinakaBORING na buhay, matagal na kong panalo.
Random 63: 3RD YEAR 2ND SEM, Isinusumpa kita. Sobra. Ikaw ang semestreng ayoko ng balikan. Sobra. Sobrang grabe. Wala akong masabi. Eto na lang: #^@!&#%@!^345!!!
Random 64: Naniniwala pa rin ako sa Diyos. Kahit anong mangyari, dapat tandaan mo na hindi masama ang may pinaniniwalaan. Wala namang mawawala sayo eh.
Random 65: Tumakbo ako ng 5k in 33:06 sa UPd para sa P.E. I Finals. Angsayasayasaya. Napakanta na lang ako pagkatapos e: "Jade tumakbo sa UPD, bali bali buto..." (to the tune of Joy to World)
Random 66: OVERHEARD sa UPD: Isang magulang nanunuod sa pagtakbo ng kanyang anak: "Tingnan mo tong anak ko, ang kupad kupad!"
Random 67: Minsan parang ang sarap maging lalake. Seryoso lang talaga. Pag nakakakita ako ng mga chicks, parang sana pwede na lang akong lumapit at magpakyut. Sheeeeeeeet. Identity Crisis na ba ito?
Random 68: BWISIT ANG NAGIMBENTO NG WWE. Uma-umaga yan ang gumigising sakin dahil sa kaadikan ng mga kapatid ko. Gabi-gabi yan pa rin ang naririnig ko. ANO BANG MERON DYAN? DI NAMAN TOTOO YAN!
"Tonight! You will see. That. I.... AM... THE... CHAMPION...!!!!!" Yan lang alam nyong sabihin!?! ^#^@*&!@!! Sige na! Kayo ng champion! Inyo na yan!
Random 69: Alam mo ba ang 69? Di ko alam.
Random 70: Anong masasabi mo sa mga taong (AY, sa mga Pilipino pala) na dumudura sa kalye?
Random 71: Habang papalapit ng papalapit ang thesis parang papalapit ng papalapit na rin ang kagustuhan kong mamatay.
Random 72: Pakiramdam ko wala talagang lalake na hindi ka sasaktan eh. Nasa sayo kung paano mo siya papatawarin at kakalimutan ng paulit-ulit ang paulit-ulit nya ring ginagawa.
Random 73: Napapa-OMG na lang ako sa dami ng mga nasusunugan ngayon. God bless them. :(
Random 74: Dapat ay matuto tayong maging sensitibo sa pakiramdam ng ibang tao. Seryoso kahit minsan lang.
Random 75: Tenenenenn!! Congratulations, Graduates!!! WOOOOOOOO!! (Except sayo Kim Chiu.)
No comments:
Post a Comment