Case in point: Nahulog ako sa bangin. Actually hindi siya bangin. Butas siya. Isang malaking butas na kasya ang dalawang ako. Nasa garahe ng kapitbahay namin, may ginagawa ata doon. Doon kami pumarada kasi hindi na kasya sa garahe namin. Pagbaba ko ng kotse, umikot ako sa kabilang side para buksan yung likod doon sa kabilang side na pinto (paki-intindi na lang). Since madilim, may isang tangang butas na hindi nagsalita.
Hinulog ako, grabe yung pakiramdam e, as in unexpected, akala ko nilamon na ‘ko ng lupa, parang black hole na to the nth level yung force ng gravity. Haha. Hindi ko alam kung gaano kalalim yung butas e, pero ang alam ko, parang nakatalon ako kagad palabas sa butas tapos sumubsob naman ako paharap. (miss ko na talaga magswimming).
Sobrang hindi ko matandaan kung paano nangyari lahat! Hindi ko rin alam gagawin ko nung una, iiyak ba ‘ko o tatawa, wala kasing nakapansin, walang nakakita (thank you Lord) hindi man lang ako narinig bumagsak ng tatay ko gayong nasa tabi lamang ng pintuan niya ang butas na iyon (ganon ako kabigat!). Nakakatawa, para ‘kong batang tumakbo paloob ng bahay, tapos ngumawa ako sa harap ng nanay ko. At ang mas nakakatawa, hindi ko inisip na masakit, inisip ko kaagad na magkaka-peklat nanaman ako. Haha. Ayun, syempre sino pa ba mag-aasikaso sa duguan kong tuhod kundi ako din. huhu. Kawawa naman ako. Bad butas.
Share ko lang ang katangahan ng butas na ‘yon. in fairness, eto na ang pinaka-engrandeng trahedyang naranasan ko so far, this year 09. ang sugat na ito ay bago sa aking karanasan. with gasgas na may kasama pang mga pasa yan na may blending colors of green, purple and black. pramis!
Naisip ko lang, masakit din palang madapa. Parang gusto mong umiyak ng sobra sobra pero gusto mo ring tumawa sa sarili mong katangahan.
LEKSYON: Always watch your steps.
Iliteral mo man o hindi, palagi mong titingnan ang dinadaanan mo, wag kang tanga, wag ka ring bulag, at lalong wag kang manhid. Kung alam mong walang kasiguraduhan yung dinadaanan mo, lalo na pag madilim, maaaring madapa at masaktan ka, kaya wag kang padalos-dalos, siguraduhin mong wala kang matatapakan at kung maaari ay ingatan mo ang sarili mo, makasarili man, basta’t alam mong hindi ka nagpabaya.
(Ang korneh ko talaga)
Kaya kung makita mo kong may chorva sa tuhod, eto na ‘yon.
No comments:
Post a Comment