Pages

Friday, August 28, 2009

lame.


sa puntong 'to, gusto kong magwala. kahit alam kong walang patutunguhan kung magwawala ako. unang rason: naiinis ako sa isang tao. mahal ko ang taong ito. sa tagal ng panahon ng aming paglolokohan, mahal ko pa rin siya. kahit alam kong iuntog ko lang ang ulo niya sa pader, maiinlab kagad siya sa iba. naiinis ako dahil nalulungkot ako. kapag nalulungkot ako parang gusto ko na lang mainis. parang may "positive side" ang pagiging inis kaysa lungkot e. diba? 'yung resilience man lang. kasi pag malungkot ako, nako tumabi tabi na ang mga tissue paper at kutsilyo at baka sila ang maputakte ko. haha. ang morbid.

so ayun nga. wag na tayo doon, kasi ayaw ko na siyang pagusapan.

masakit ang pwet/ puwet/ fwet 'ko. sobra.

CAUSE: P.E. CLASS (WALKING)

t*ng*n*g yan. eto ang putakteng ruta: pedro gil---quirino grandstand---pabalik sa pedro gil---lakad hanggang CCP---babalik ng pedro gil.

parang mga pagong na napadpad sa disyerto ang drama namin. sabi ko, magjejeep na talaga 'ko papuntang school mula p.gil, dahil hindi na kaya ng powers ko. kung nauubos ang laway, malamang dugo na iniinom ko. sa kasamaang palad, wala akong pera. hayun, naglakad ulit mula p.gil hanggang SSWC.

GRAAAABE.

"Panginoon pahiram muna ng pakpak. Please Lordddddd. kahit one minute langgggggggg."

haaaay. iddrop ko na walking! pero hindi pwede. dahil sayang ang effort ko. kainis P.E. na lang toxic pa.

anywaaaaaaay. ayos naman ang buhay iska kuno. nakaka-survive pa 'ko sa pangatlo kong sem dito sa UP Manila. pumapasang awa pa sa mga exams. nakakagising pa ng alas-7. at nakaka-awit pa rin ng "Like a Virgin" sa banyo. may mga sandali lang na parang napapa-isip pa rin ako kung nasa UP ba talaga 'ko. di pa rin ako makapaniwala. hay. feeling ko ngayon, parang naiiwan na ko ng lahat. parang hindi ko na alam 'yung nangyayari sa paligid ko. (hindi na kasi naunuod ng news). ano na ba ang latest bukod sa pagkamatay ni Cory? (may she rests in peace). ang mga uwak, itim pa rin ba? si jolie at pitt pa ba? di na daw ah? si liz uy kaya kamusta na? LOL. para 'kong tanga. gwapo kasi ni John Lloyd. hahaha.

i love my life.
oh so boring.

No comments: