HAAAAAAAAAAAAY.
ISANG MALAKING HAAAAAAAAAAAAAAY.
AT ISA PANG.. HAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAY!
Nakahinga na rin ako kahit papaano.
Pansin mo naman, isang buwan na ‘kong walang panahon para magsulat.
Pero natapos ko na rin naman ang 2 TERM PAPERS ko kanina, so game!
Heto na ang pagbubuod!
Kahit na naging malupit sa akin ang buwan ng Marso, buhay pa naman ako.
Kahit na pinapatay na ‘ko ng mga problema ko, buhay pa naman ako.
Kahit na tres ang grado ko, buhay pa naman ako.
Kahit na hindi ako nakakain ng maayos ng tatlong linggo, buhay pa naman ako.
Kahit na nag-uumapaw sa laki ang eyebags ko, buhay pa naman ako.
Kahit na sukdulan sa kahirapan ang pitaka ko, buhay pa naman ako.
Kahit na tambak ang trabaho’t utang ko, buhay pa naman ako.
Kahit na iniiwan at binabalewala ako, buhay pa naman ako.
Sa kasamaang palad, buhay pa rin ako.
Kahit na wala akong bakasyon, SANA MABUHAY PA ‘KO.
Siguro nga kasalanan ko rin lahat. Kasalanan ko kung bakit gumulo ang buhay ko. Kasalanan ko kasi ma-pride ako. Kasalanan ko kasi nagpaka-bato ako.
Batong gawa sa papel.
Siguro nga kasalanan ko rin talaga.
Pero kasalanan ko ba’ng hindi ako katulad nilang makasarili?
Kasalanan ko rin ba kung hindi ako perpekto?
Kasalanan ko rin ba kung mahina akong tao?
Wala lang.
Kasalanan ko nga, kasi ako ‘to.
Walang ibang sisisihin kundi ako. Pero bakit pa ba magsisisihan? Ayos naman na lahat e.
Sino’ng nagayos? Syempre ako din. Ako ang sanhi, edi ako ang solusyon.
Wala lang ulit.
Buti na lang nandyan ka.
Minsan naiinis na ‘ko kasi ayaw mo ‘kong iwan. Ba’t nga ba ako maiinis? E ikaw na nga lang ‘yung hindi nangiwan e. salamat kasi hindi mo ‘ko hinayaan. Kung hinayaan mo ‘ko malamang multo na ang nagtatayp ngayon nito.
Paminsan-minsan, magiging masaklap talaga ang buhay. Mga pangyayaring hindi natin inaasahan, mga tipong, isang araw tawa ka ng tawa, halos maiyak ka na kakatawa, masusuka mo na lahat ng kinain mo kakatawa, di mo mapigilan ang tumawa, kakaripas ang bukas, iiyak ka na, at iyon naman ang hindi mo mapigilan.
Mga taong hindi mo alam kung mahal ka ba talaga.
“Hindi ka namin pinipilit sumama dahil gusto ka naming makasama! Ayaw ng daddy mo na maiwan ka dito dahil wala siyang tiwala sayo! Kaya sumama ka na! sinisira mo lakad namin!” -- Secret Person :))
Siguro nga masama akong anak. Naging pasaway ako. Hindi nagpapaalam, umuuwi ng gabi. Pero kailan ako tumanggi kapag buhay ko na ang pinaguusapan? Kailan ako tumanggi noong pinilit nila ako mag-aral SA MGA paaralang hindi ko gusto? Kailan ako pumalag noong pinapahiya nila ‘ko sa ibang tao? Kailan ako lumaban noong pinagpipilitan nilang masama akong anak at walang kwenta?
Minsan mas gusto ko na lang maging biktima ng “child abuse”. May mga fashionable dark marks pa sa katawan, tas malaking black eye with matching bleeding nose and teeth. (haha). Kaysa ‘yong, isasapul ka talaga DOON e. doon sa “chamber of weakness” pa talaga tatama. haha. :))
Wala lang. ang drama ko nanaman.
Minsan lang naman ako magdrama e.
(AWS?) :))
kakapit na lang ako hangga’t kaya ko pa. kakapit ako Sa Kanya, at sa kanya.
Kakapit ako sa mga taong hindi ako iniwan.
At higit pa riyan,
Kakapit ako sa nanay ko.
At last!
Bati na kami!
No comments:
Post a Comment