Pages

Thursday, January 29, 2009

Ang ka-adikan ni Jade.


Eksena 1:


Girl: akala ko dati 3rd year bio siya e.
Boy: o?
Girl: ewan ko kung sino nagsabi pero 1st year pa lang pala ‘yon.
Boy: ah.

*silence for 5 seconds.


Girl: ang cute niya.
Boy: oo nga ang cute niya nga!

2 seconds..

Girl: “crush ko siya!”
Boy: AKO DIN! =))

*infinite laughter explodes*
(ako naman ang nauna! Bwahaha)

Nakakalimutan ko lahat kapag siya na kasama ko.
Parang pwede na maglaho lahat ng salot sa paligid.


Ano pa ba ang mga bago sa buhay ni Jade?



--> unang-una wala na ‘kong panahon para sa mga gusto kong gawin, nawawalan na rin ako ng oras sa sarili ko—gusto kong magshopping! Bumili ng pantalon, tsinelas, blouse at bag. (Nyahaha) pero sa kanya at sa Kanya may oras ako. Gusto kong sisihin ang pag-aaral ko dito, dahil tinatambakan ako ng trabaho linggo-linggo. Minsan gusto ko na lang magtambling-tambling sa kama.

--> nakakatawa pala mapagtawanan sa klase dahil sa sagot mong nakakatawa naman? ‘di ko alam kung natuwa ba ‘ko non o nainis (pero tumawa ako ng sobra). Epal kasi ‘yong lalaki sa tabi ng katabi ko e, kung tumawa kala mo wala ng bukas, kala mo pa kung sinong perpekto. Mukha namang penguin.

--> gaano ba kahirap magpapayat? Kabaligtaran nang kung gaano kadali magpataba.

--> napanuod ko si Benjamin Button, haha, nakakatuwa. Wala lang, napanuod ko lang.

--> napanuod ko rin yung “The Abandoned”, at kahit tatlong beses ko siyang pinanuod, wala akong naintindihan (wag mo ng tanungin kung bakit)

--> natuto akong maging masaya at kalimutan ang toxicity sa school, ‘yong tipong, kapag may eksam, relaks lang, wag mag-panic (panikera kasi ‘ko) ayaw ko ng may nakakalimutan ako pag-eksam na, naiinis ako pag ganon. Pero napansin ko na mag-panic man ako o hindi, ganon pa rin ang resulta. (wag mo na ring alamin kung ano. Secret na yon)

--> hindi pa rin ako marunong sumipol (yan ang hindi dapat bago)

--> naiinis ako kapag may isang taong nagtatanong tungkol sa isang bagay na alam niyang hindi mo alam, para lang ipahiya ka... Ikaw alam mo ba ang alamat ng kumukulong ulam?

--> nawawala contact lens ko. Huhuhu. I need it. Huhu. :(( Bili mo ‘ko?

--> natuto akong mainlab! =)

--> higit sa lahat, natutuwa ako sa naging transformation ko simula naging malapit ako sa Kanya. Natutuwa ako sa “change” na nangyari sa’kin. Dahil doon, mas natuto akong magpahalaga.


--> at oo! Natuto ulit ako mag-tagalog sa blog! PARTEY!


Medyo senseless ‘tong entry ko. Wala lang akong magawa. May eksam pa ‘ko, pero wala lang, para naman medyo updated siya. =) ‘yon lang.

At oo nga pala, seryoso talaga… natuto na ako mainlab. =)

No comments: