Pages

Saturday, December 6, 2008

Never enough.

Mayroon lamang akong labing-limang minuto upang isulat ‘to. O pwede na rin tatlumpooo. Gusto ko lang isuka tong inis at sama ng loob ko. Pagbigyan niyo na 'ko.

Sabi nila hindi naman daw mahalaga ang nakaraan. Sabi ng bespren ko, “tapos na siya, ikaw naman” ano daw? Oo nga e. tapos na siya. Pero bakit binabalikan mo pa? binabalikan. Sinisilip. Naaalala mo pa rin. Nagdaan na ako sa ganito e. Kaya alam ko kapag tama ang naiisip ko o hindi.

And so I thought.
Ganon talaga sila e, hangga’t walang pumapalit sa lugar ng nakaraan, hindi nila kayang harapin ang kasalukuyan. Haharapin nila yon pero nandon pa rin yung isang paa nila sa likod.


Parang naglalakad na pilay.

Oo nga e. sino ba naman ako? Ang layo ko sa kanya. Ang layo ko. Mga tatlong kilometro sa pisikal na pangangatawan, mga dalawang kilometro pagdating sa usapang katalinuhan, at mga sampung milya ang layo pagdating sa over-all category.


Oo nga e. sino nga naman ba ako?


ako lang naman 'to e. diba? tsk.

No comments: