
I woke up 7 in the morning, did my morning to do’s, went to school, had my class, went to Robinson’s mall, had lunch, had ice cream (thanks to Jerome), accompanied CJ in buying a gift for her friend’s birthday, went to CCP, (we literally used our own two feet to get to CCP from Pedro Gil), countless laughs, stories, SWW—singing while walking? ;)) arrived at CCP, first time ko ;), been amazed with the ballet performance, clap clap clap, walk again,

Starbucks, had a venti caramel frappucino shared with Paul, took pictures, laughed, laughed, laughed, then walk again (from Harbor Square to Robinsons Mall), SWW, laughed, and finally, went home.
Phew.
Nasa elevator pa lang..
Na-ngingisay na ko, bibigay na mga buto ko e, ayan na yung muscles ko mapupunit na talaga.
Nangungusap na ko sa Itaas, habang nakatitig sa sahig, lutaytay.
”O Lord.. ang kama ko po. Please, parang awa Niyo na po, sana maayos at malinis na sya paguwi ko.”
Opened the front door, I was so eager, as in eaaaaaager to jump in bed no matter how wasted I am, but to my dismay, my brothers appeared to me like saying “Hate to burst your bubble but you cant sleep now!”
I didn’t even had the chance to check my bed, everyone was already dressed up, ready to go somewhere-I-wasn’t-interested-with-at-that-moment.
Went straight to my parent’s room, asked where the hell they will go.
MOA.
Sama ka?
Complex question?
“Alright then.”
I was left with no choice, I guess? After 15 mins. of just seating on the sofa, gazing at my feet, my mind wandering off, wondering why I am not in bed like how I imagined myself earlier.
Natuloy nga kami sa MOA, at ako naman ay sadyang amazed sa nakita ko sa parking lot. May parang kung anong christmas light, ay hindi, bumbilya?, oo parang ganun, mga ilaw na pula at green, para sa pasko? Hindi e, decoration? Hindi. Aaaaah. Kasi. Sa bawat parking space, there’s this light bulb overhead it, it’ll lit red if a car has already occupied the space, but it’ll be green if it is still vacant. NICCCCCCCCEEEEEEE. Asenso! Galak na galak ang mga alien kong kapatid!
”Mom can we open the window while you park the car? So we can see if it changes?”.
Matagal na ba ‘yon? Di ko alam e.
Anyway, natuwa lang ako, I hope hindi nila mapabayaan ‘yon, maganda e, bigtime!
at hindi ko rin makakalimutan.
unang stop: Headway salon, nagpagupit ang mga alien. pagkatapos, Department Store. Stroll stroll lang, SALE pala. As i always say, guilty pleasure ko ang tumingin sa mga damit-damit, ulitin ko, "tumingin", walang pera pambili. =)) at syempre hindi ko na naiwasan, inakit nanaman ako ng "pre-teens" section. (tanggapin mo ng matanda ka at ako pre-teen lang.) tapos, na-aliw ako.
pagkatapos ko tumingin-tingin. binalikan ko ng silip kung nandun pa ba ang pamilya ko kung saan sila iniwan ng mga mata ko.
pagkalingon ko doon, SHOOOOOOOT! Wala sila!
eto na nga ba sinasabi ko e. eto na nga ang hirap kapag WALANG SELPON e. eto na kasi yun. eto na. wala ako ni-piso kahit pantawag o pamasahe. wala ako ni kahit ano.
sa totoo lang gusto ko nang lumapit sa mga sales lady doon, tapos lalapit akong luhaan! "Nawawala po nanay ko." :(( huwaaaaaaaaaaaaaaaa.
pagkatapos siguro ng mga sampung minuto na nilibot libot ko ang floor na 'yon, nakita ko na sila. kaya sinigurado ko na nun na hindi na 'ko hihiwalay. :P
ayun na.
Ayan ang araw ko ngayon.
Napagod ako? OO. Pero mapapagod ka ba kung natutuwa ka naman sa bawat minutong sinasayang mo kasama ang mga kaibigan mo at pamilya mo? I’ll hardly believe.
This day is awfully tiring, yet superbly enjoyable.
No comments:
Post a Comment