
Darating ang panahon, na kukunin Niya lahat. Kukunin Niya lahat ng mahahalaga sa’yo. Ang paborito mong aso, ang paborito mong tsokolate, ang cellphone mong touch-screen, ang kaibigang matalik, ang boypren mong perpekto at kahit ang sarili mong ngiti. Pero ano ang kapalit? Mas marami pa Siyang kukunin sa’yo, pero habang kumukuha Siya, binubuo Niya ito para balang araw, maibigay Niya ang isang bagay na pinaka-importante sa’yo, at hindi ang pira-pirasong bagay na akala mo e katumbas na ng lahat.
--kowt ko para sa sarili ko.
Sabi ko nun, kapag nakapasok ako ng UP, siguro magiging maayos na buhay ko; magiging proud magulang ko, masasabi na nila sa mga kaibigan nila ang pangalan ng paaralan ko na walang halong pandidiri, magiging proud sila sakin—maka tres man ako o singko, mamahalin pa nila ko, pagkakatiwalaan pa nila ko, o kaya ibibigay ang mga gusto ko… ang dami kong inisip na akala ko mangyayari oras na makatapak ako sa paaralang ito.. umasa ako masyado. Malaking sakripisyo ang mga nangyari sa buhay ko noong mga nakaraang buwan. Sa totoo lang ayoko ng balikan. Kaya hindi ko na nga babalikan pa.
Tatapusin ko na ang libro ng nakaraan.
Kung ano man ang mga kamalasang naranasan ko noon.
TAPOS NA YUN.
Hindi ko na sila maibabalik pa.
Mga bagay na naglaho, mga lugar na nagpaalam, mga kaibigang lumayo, mga pag-ibig na nabigo.
Eto na ang buhay ko ngayon.
At alam mo ba?
Marami pa rin Siyang kinukuha sa’kin.
Pero may mga ibinabalik siyang bago.
Muli, dumadanas nanaman ako ng mga madudugong eksam, at mga madudugong gawain. Wala na kong oras pa sa ibang bagay. Pero may oras ako sa pag Blog. (halata naman diba), may oras pang magbukas ng prenster, may oras pa kong lumabas para makasama saglit ang mga kaibigan, may oras pa ako magtext, may oras pang manuod ng telebisyon o makinig sa mp3, may oras pang manira ng gitara at mamalimos sa ina, at may oras ding isipin si « kras » at kausapin pa siya (hanep sa oras)
Kaya siguro masyado akong nawawalan ng gana sa buhay. Parang mas gusto ko na lang magliwaliw kaysa duguin pa sa mga susunod na eksam.
Enggggg !
Ayoko na !'
Hindi na ko dapat nagiging ganito.
Masaya naman ako kahit papaano e.
May isang tao na nagbibigay inspirasyon sa’kin.
Sino?
Si pareng JC. ;)
Tagal ko ng di nagPost.
Bali, pagpasensyahan na at walang kwenta ito!
Wasak ang utak ko!
No comments:
Post a Comment