Pages

Saturday, August 9, 2008

EMO-POST.

Matagal ko na ring pinagtataka, matagal tagal na rin pala akong nagtyatyaga kahit hindi naman talaga ako natutuwa. Halos lahat na ata ng kamalasan sa taong 2008 e naranasan ko na. hindi nga malas kung maituturing, kasi ako ang may Katangahan, Kapabayaan, kaya nagresulta sa KAHIHIYAN. Pero bakit ganun? Heto pa rin ako, buhay na buhay, kahit ang buong lamang-luob ko—durog-durog na.

Muli nanaman natimbal ang dating tumitibay na pundasyon ng lakas ko, muli ay sinubukan nanaman ng matinding bagyo ang mundong aking ginagalawan. Bakit ganun? Akala ko, okay na ko, akala ko masaya na ko, akala ko kontento na ko. Pero hindi pa rin e, kasi tuwing mararamdaman ko yun, palagi na lang may kapalit na mas malaking sukli kaysa sa binayad ko.

Sinubukan ko namang labanan ang takot at kaba, pero tinalo pa rin ako nito, kaya eto, hindi ko na alam kung paano ko pa muli sisimulan ang buhay ko, kung paano bubuuin ang nasirang pundasyon. Parang isang malaking simbolo ito para sa’kin, para bang pinapamuka sa kin ng mundo na ”TIGILAN MO NA ANG MGA BAGAY NA HINDI NAMAN PARA SAYO! WAG MO NG PAGPILITAN KUNG AYAW NAMAN SAYO!"

Ano nanaman bang kabaliwan tong sinasabi ko? Ano pa? Edi ang true love ko sa pagkanta. Bahagi na talaga ng buhay ko ang pagkanta/musika. Kahit anong emosyon pa yan, inilalabas ko lahat sa pagkanta o sa paggawa ng mga sariling komposisyon na kapag narinig mo ay mas pipiliin mo pang uminom ng lason.


Mahal na mahal ko ang musika. Pero tuwing susubukan kong patunayan sa mundo ang pagmamahal ko dito, parang lagi na lang akong palpak, palaging dinadala ng kaba at takot, torpe at duwag. Tanggap ko ang pagkakamali ko. Pero hindi ako handa na harapin ang mga susunod pang kahihiyan na mangayayari sa buhay ko.

”ANG TANGA MO HANAH”


Sana nanahimik na lang ako sa buhay ko. Sana, nakinig na lang ako sa payo ng kaibigan ko na huwag nang ipagpatuloy ang kahibangang iyon. SANA. Sana talaga naumpog ako nang mas maaga para nailigtas ko pa ang sarili ko sa mundo ng kahihiyan.



Hindi na siguro nararapat na ipagpilitan ko pa ang maging masaya, kasi kahit anong pilit ko, palaging may kapalit na mas malala. Sabi nila, ”happiness is a choice”, then if it is, how come the world has left me NO CHOICE DIN? kapag may pipiliin na kong ruta upang sumaya, doon naman pala naghihintay ang hinagpis.

Pinipilit kong magpakasaya kahit na nararamdaman ko ang pagiging mag-isa sa impyernong pinupuntahan ko apat na beses (minsan anim) sa isang linggo.

May mga bagong tauhan sa pelikula ng buhay ko, pero kahit na bahagi sila ng casting, parang hanggang doon lang sila, pag labas ng studio—hindi ka na nila kilala. Sa bagay, isa lang din naman ako sa mga “cast”. Kaya marahil ay ganun lang din ang tingin nila sa’kin. Kung pwede lang magreresign na ko, at kahit maging ”Extra” na lang ako sa ibang pelikula, matatanggap ko pa kaysa dito.


Bagamat wala na kong magagawa sa mga pagkakamaling nangyari na, nagsisisi pa din ako kung bakit ganun ang nangyari, nagagalit ako sa sarili kong kapalpakan. Bagkus ay pinipilit ko pa ring labanan ang takot at kahihiyan ko sa sarili ko. Gusto kong magalit ng sobra sa mga katangahang nagawa ko, pero YUN NA YUN EH. Hindi na kailanman pwedeng baguhin. ayoko magalit sa ibang tao kahit na sila din ang dahilan nito.

Ang gusto ko lang gawin ngayon..




E ang tanggapin, na may mga bagay na hindi talaga para sa’kin..

Siguro nga panahon ng pagluluksa ang taong ’to. Karirin ko na lang.

No comments: