
a.totoong tao
b.simpleh
c.HINDI MAYABANG/MAPAGKUMBABA
d.kalog/maloko
e.maluwag ang turnilyo
f.at mayayakap sa mundo ng kawalan.
Masyado bang mahirap? Siguro iba lang talaga ko pagdating sa pagkakaroon ng kaibigan. Iba ako magmahal ng kaibigan. Iba ako magsakripisyo pagdating sa kaibigan. Iba ako magmalasakit para sa kaibigan. Kaya ganun na lang ang pagtataka ko kung bakit parang ang malas ko ata sa kaibigan(sa pangalawang mundong ginagalawan ko) wag mo sanang isipin na masama akong nilalang kaya ganito ang nangyari, dahil kung masama ako, malamang hindi ako magpapagamit sa kahit sino. Malamang hindi ako papayag na samahan ang isang “total stranger” sa kahit saan niya gusto. Malamang e hindi rin ako magiging super-nice and super-friendly kahit deep inside nahihirapan na rin ako maging chaperone o maging isang hamak na teddy bear.
Pero kung ganito nga naman kasaklap ang tadhana sa’kin, tatanggapin ko na lang.
Masaya naman ako sa buhay ko ngayon. May mga kaibigang tunay na rin akong unti-unting nakikilala.
Malaki ang impluwensya ng pagsali ko sa MOrg-Musician’s Organization ng UP manila. Hindi ko lubos inasahan na makakapasok ako.
Marami man akong kamalasang natamo, at mga luhang sinayang—masaya pa din ako.
Ayoko magmukang talunan, kaya lumalaban ako.
Minsan pag akala natin na nasa atin na lahat ng mali at malas; oras at distansya lang ang kailangan upang maibalik ang dating ikaw.
Oras na makapagisip kung ano ba ang mga dahilan kung bakit nangyayari iyon at kung paano mo ito bibigyang linaw at solusyon (searching for profound reasons why these things existed and gradually turning these into essential solutions).
Distansya upang makipagkaibigan sa sarili, dahil kailangan mo munang matanggap na wala nang iba pang pwedeng sisihin sa pagkakamaling nagawa mo kundi ang sarili mong pagkatao. Kailangan mong tanggapin na hindi ka perpekto—na tao ka ring nagkakamali. Pwede mong sisihin ang iyong sarili, pwede kang magalit sa sarili mong kapalpakan, pero dapat panandalian lang, kailangan ay matanggap mo pa rin ang bawat aspeto ng iyong pagkatao. Alam ko dahil heto na ko ngayon—unti-unting binubuo ang sarili.
Malalim ang balon na pinagbagsakan ko, akala ko ay pag naglaon ay ibuburol ko na rin ang sarili ko sa balon na iyon. Salamat sa Kanya-na hindi ako pinabayaan at binigyan pa din ako ng lakas. Salamat sa mga kaibigan na naniniwala pa rin sa’kin. Sa balon na iyon, maraming kamay ang tumulong sa’kin upang makalabas. Unti-unti ay nasisilayan ko na rin ang liwanag.
Hindi man nagiging madali ang buhay at madalas ay nagiging masaklap ito, palagi pa rin nating tatandaan na hindi tayo pababayaan ni Lord. Na lahat ng nangyayari ay may dahilan, kaya’t manatili tayong matatag sa pagtitiwala sa Kanya.
PS: GUSTO KO NG MAG-SEMBREAK. ((:
No comments:
Post a Comment