
Lumipas na rin ang isang buwan—isang buwan nang nakatiwangwang ang utak at kung saan-saan na rin napapadpad. Bawat araw na dumadaan ay parang isang nagpapasadang dyip na may napaka-mahal na bayad. Halos bawat pangyayari ay naglalabang itim at pula, kapag itim-araw ng patay, kapag pula-araw ng impyerno. Paminsan-minsan may puti--malayang isip at malinis na kalooban.
Mayroon akong isang kaibigan, siguro nga maituturing ko na talaga siyang kaibigan dahil siya ay madalas ko na ring nakakasama. Mabait siya, pero hindi sa paraang mabait na tipo ko. Parang si Piolo, gwapo pero hindi ko naman tipo. Mga ganun ba. Wag mo sanang isipin na masama ang tingin ko sa kaibigang ‘to, siguro ay hindi ko lang alam kung ano ang puwang ko sa buhay niya—kaibigan, o kasa-kasama lang (pwede ring chaperone/anino/buntot/alipin/wala lang)
Kinakarir ko na rin masyado ang pagiging “matalik na kasa-kasama” ko sa kanya. At totoo, hindi nga ako natutuwa. Bagkus ay heto pa rin ako, patuloy pa rin sa duty ko bawat araw na kasama ko siya. “okay lang, Go lang” sabi ng isa, “ayoko na!!! I resign!!” sabi naman ng isa. Pagsamahin natin= Bahala na.
Naapektuhan na rin kasi pati ang pagtingin ko sa ibang tao, parang napapaisip ako; kung magkakaroon pa ako ng kaibigan, pero kung hindi naman talaga kaibigan ang tingin niya sa’kin, para saan pa??! napagtanto ko na, sige.. ganunan pala e. edi ganunan na lang! ((:
oo nga, nasasanay na rin ako sa simpleng batian lang pag nagkikita o nagkakadaanan kayo o kaya, kapag may kailangan e tsaka mo lang maaalala na magkakilala pala kayo[??]. Napaka-hina ko pa sa pagtanda ng mga pangalan. Sobrang nahihiya na ako, kasi minsan, mga nakikilala ko, alam na alam ang pangalan kong napakadali namang tandaan. Pero pag ako, ni-unang letra ng pangalan nila e hindi ko na maalala.
May magandang dulot din iyon sa’kin—kapag hindi ko naaalala ang pangalan nila, ibig sabihin, hindi talaga kami “meant to be” maging “friends”. Kung baga, wala silang iniwang “lasting impression” na interesado talaga silang maging kaibigan ko.
O diba. Astig ang powers ko. (:
Sigh.
Hindi ko na rin maintindihan ang mga malalabong pangyayaring ito. Ang daming konklusyon. Tulad na lang ng pag-Sali ko sa MOrg-Musician’s Org (pakapalan na ito!!), ang dami pang pagdadaanan bago ka maging simpleng miyembro. Nararamdaman ko naman ang takot at pangamba na hindi rin naman ako matatanggap. Kung hindi ba naman ako nadawit sa gulong ‘to e, edi sana menos-perwisyo na. pero wala, nasa kalagitnaan na ‘ko. At natutuwa naman ako at marami akong nakikilala—pero hindi ko na tanda ang pangalan nilang lahat.
Araw-araw, lagi ng nagrereklamo ang ulo ko. Bawat pag-mulat ko ng mata, Parang sasabog na ang bomba sa utak ko, ewan ko ba. Sukong-suko na siya. Lalo na kapag Natsci I na ang klase (Physics at Chem) pero Physics pa lang kami sa ngayon; grabe gustong-gusto ko ng lumuha ng dugo at iuntog ang ulo ko sa semento kapag hindi ko na talaga maintindihan. At isama mo pa ang mga pamatay na exam/quiz/test. Wala silang sinabi sa mga nagsisigawang-kamote ng mga resulta nito. ((: (FYI, hindi naman super kamote, mga kalahati lang) ha ha ha. Sabayan mo pa ng mga hindi nakakatuwang takdang aralin. Kakaiba talaga, takdang aralin na hindi mo basta-basta mahahanap sa internet/libro, IKAW ang mismong SOURCE ng impormasyon. Pero nakaka-Challenge din talaga. Kasi ikaw mismo ang mag-iisip at hindi ang kompyuter.
Salamat Lord, pero nahihirapan na ‘ko. Hu hu hu.
At bakit lahat ng gwapo sa paaralan ko e, may mga syota na!?
Ang unfair! ((: wahaha. Biro lang.
IKAW! Ikaw na nagsasayang ng oras upang basahin ito, SALAMAT ah.*bow*
Kain mabuti!(:
No comments:
Post a Comment