Pages

Thursday, July 17, 2008

Trahedyang kay Ganda.

Ordinaryong Huwebes; gigising ng alas-otso y medya upang ihanda ang sarili sa pagpasok sa eskwela ng alas-dyis. Inagahan ko pa ng konte dahil kailangan ko pang mag-aral dahil may exam kami sa Philo I. Pagdating ng klasrum, wala pa si Ma'am. Dumaan na ang tatlumpu't minuto--lahat ay nakakaramdam na ng milagro. Marami ang napapahinga ng maluwag. sa wakas ay naisipan din nilang umuwi na. At sobra naman akong natuwa dahil sa totoo lang, hindi pa ko handang harapin ang isa nanamang kalbaryong exam.

Akala ko at akala ng lahat, wala na talaga.

tenen!!

Nag-text ang kaklase ko sa kaklase ko. (paki-intindi na lang)
at sinabing;
"Ui balik kayo sa klasrum, dumating na yung prof!!"

tila, gumunaw nanaman ang mundo ko. Akala ko makakatakas na.. na-stranded lang si Ma'am sa LRT station dahil sa naganap na trahedya sa may libertad.

Pangalawang asignatura--KOM I.

dumaan nanaman ang trenta minuto, wala pa rin si Prof. dumaan pa ang ilang minuto, may pumasok na mga estudyante at sinabing:

"bali, wala po si Sr. Del Mundo, check na lang po yung attendance nila"

Sa totoo lang, hindi ako gaanong natuwa, dahil mas gugustuhin ko pang magleksyon kaysa tumunganga ng isa pang oras para sa susunod na asignatura. Sa KOM I--panis ang laway ko. WALA akong ka-chismisan, ka-daldalan, ka-kopyahan, ka-ibigan, at ka-bulungan.

kaya patuloy akong lumalamon ng mentos habang nagpapalipas oras.

Huling Asignatura--NatSci I.

malamang sa malamang e hindi talaga mag-aabsent ang prof dito. at hindi hahayaang makapagpahinga ang mga utak namin.

Sa kalagitnaan ng pagleleksyon, binulungan ako ng isang kaibigan:
"Hanah, pahiram na lang ng notes mo mamaya, nasusuka kasi ko e.."

Una ay sinubukan kong pagdugtungin ang NOTES sa...SUKA. [???]

medyo malayo pero oo nga naman, makakapagsulat ka ba kung nasusuka ka? Hindi ko napagtanto na siya pala ang labas ng labas ng klasrum. Hindi ko rin gaanong napansin na masama na pala ang pakiramdam niya. Kaya nagulat ang lahat nang biglang tawagin ang propesor namin at kinausap ng mga kung-sino-man sa labas. Lahat kami ay na-intriga. Lahat ay nagbubulungan na na sana huwag ng bumalik si Prof! he he he. Medyo isa ako dun. XD

Bumalik si Prof at sinabing kailangan niya ang gamit ni GIRL (na aking tinukoy kanina). Pagkatapos e nagkaalaman na ang lahat na si GIRL ay may dinadanas na hindi maganda. AKO naman si LOKA, ipinamalita ko ang ibinulong niya sa akin kanina. Kaya siguro biglang sumupol ang napakalaking bato mula sa langit.

"Where's hanah?! hanah??"

lakas na tinanong ng aming propesor. Parang gusto ko ng maglaho doon pa lang. Para bang nakagawa ako ng krimen.

"You're (GIRL)'s friend right? Kailangan niya ng kasama papuntang PGH. Sabi niya ikaw daw sumama sa kanya"

ako naman ay sadyang HUWHHHHAATTTT!?!!!

napatingin ang lahat sa'kin, kahit ako, hindi ko rin alam ang sasabihin ko. Hindi rin naman kasi kami CLOSE nung girl na yun. Pero naguusap kami tuwing NatSci I, dahil doon lang kami magkaklase. Syempre naman magugulat ako. Pero na-touch naman ako at ako ang pinili niya. (awww)

Takbo Lakad Takbo eksena sa campus ang pagtulak at pagbuhat sa kanya habang siya ay nasa wheel chair. Nagmistulang nannay ako sa eksena. Nagsusuka siya at sobrang putla na. Hindi ko na rin alam gagawin ko pero GO lang. Sinundan ko lang sila hanggang PGH. Nagulat naman ako ng bonggang-bongga.. sumunod pala ang aming Prof! Para tuloy kaming Mag-asawang may dinadalang anak sa ospital. MWAHAHAHA

baka antukin ka na pag pinagpatuloy ko pa ang kwento.
bottom-line is. OK na si Friend. ;)
at sobra naman akong na-touch sa nangyari. Hindi ko expected na mabibigyang tulong ko ang isang tao na kahit hindi kami gaanong malapit sa isa't isa ay kahit papaano ay naging kaibigan ako sa ganitong hindi inaasahang pangyayari.


Lahat ay maaaring maging bayani sa kahit sino. Simpleng tulong, Simpleng bigay. Hindi naman kailangan magbuwis pa ng buhay para maituring na bayani. Hindi ko sinasabi na feeling-bayani ako kanina. naramdaman ko lang ang sarap sa pakiramdam kapag alam mong nakakatulong ka sa kapwa kahit sa simpleng pamamaraan..

No comments: