Pages

Saturday, July 12, 2008

Migraine.

I’m still in the midst of perplexity. I couldn’t quite figure out how am I genuinely feeling lately.. naramdaman mo na ba yun? Parang, gulong-gulo ka, minsan hindi mo pa alam kung ano ba talaga ang bumabagabag sa utak mo? Although, marami, maraming bumabagabag. Pero hindi mo alam kung saan mo sisimulan ang pag-iisip. Ang labo, kulang ng remedyo.


Kahapon, araw ng sabado, planado na ng matalik kong kaibigan at ako na pumunta sa National Museum. I wanted to go there just so I could relate well with our lessons sa PhilArts, and medyo required din kasi. May nangyari nga lang noong nakaraang mga araw, nakausap ko ang isa ko pang kaibigan (na may koneksyon sa nakaraan ko, I guess I’ll leave it that way) he insist to come with us so yes, wala namang masama diba. Anyway, it is actually great to be with that guy once again. Super tagal na rin e, almost 3 years na hindi kami nagkakausap ng maayos. Maybe right time na rin para pagsamasamahin muli ang mga nasirang kahapon. (wow may ganun!?) I’m looking forward na maging magkaibigan na talaga kami, after everything na nangyari sa amin. Malaki rin talaga ang iniwang marka nun sa buhay ko. Ngayon, wala ng bitterness nor burden sa isa’t isa. After that, kailangan ko na rin umuwi kaagad ng mga 3pm dahil planado na rin ang pagpunta namin sa Araneta Coliseum para manuod ng HSM (the ice tour) kasama ang BUONG pamilya.



Nagulat ako nung sumama ama ko. Hindi ko expected na kasama siya.
At as usual, late nanaman kami. Pero okay lang. marami pa rin kaming naabutan. Ang sarap sa pakiramdam na nakakasama mo buong pamilya mo e. tipong lahat ng problema pwede mo munang isantabi. Bigyang tutok ang bawat masasayang pangyayari kasama bawat miyembro ng pamilya mo.. HSM-the ice tour; Okay naman siya. Sa totoo nga lang, hindi ako masyado nag-enjoy ;) hindi naman kasi ako FAN ng HSM. mga kapatid ko lang. natatawa ako sa mga taong nasa likod ko; memoryado bawat liriko ng mga kanta. nakakatuwa. ;)


Kagabi, ang dami ko nanamang iniisip;


Bakit
—si Mr. Mojo jojo, may girlpren na mas bata sa kanya ng APAT NA TAON!?! Haha. Biro lang. hindi ko na iniisip yun. Naalala ko lang. nakakatawa kung tutuusin, pero swerte ang BATANG yun sa kanya ;) may they live happily ever after ;)

Bakit—may mga bagay na hindi ko na dapat pa iniisip pero naiisip ko nanaman! (magulo talaga)

Bakit—hindi ko nanaman alam kung saan ko sisimulan ang pag-FOCUS ko sa pag-aaral. Para bang, pag wala akong ginagawa, hindi ako mapakali! Tipong dapat PALAGI kong buklat libro at hand-outs ko. Pero pag magbabasa na ko, mapapaisip ako ulit; may quiz ba? Siguro nga kailangan ko na talagang mag-FOCUS with 10x zoom effect pa.


Iniiwasan ko na talagang maging magulo tong buhay ko.
Pero bakit ganun? May mga pangyayari na ang hirap hirap iwasan. Bigla na lang susulpot sa buhay mo, maglalaro sa utak mo, at lalamunin na rin ang buong sistema mo. TSSSSK!!


O GULO! Layuan mo ako! ((:

No comments: