Pages

Thursday, July 10, 2008

May tunay pa ba?


“kaya mo yan bes! Diba strong ka? At tska hindi lang ikaw ang nahihirapan! Besides! This is what you want! Gusto mong mag-aral, ginawa na ni God yung part Niya, kaya gawin mo yung part mo” unang-una, gusto kong magpasalamat sa matalik kong kaibigan na tila binuhusan ako ng malamig na tubig upang gumising at bumalik muli sa kamalayan ko. Bigla na lang kasi kong nagdrama ng kakornihan sa kanya. Hindi ko rin alam kung saang planeta nanggaling yung pag-emote ko.


Anyway, naging masaya naman ang araw ko kahapon. Tuwing miyerkules kasi ay wala akong pasok. Kaya nagka-yayaan kami ng isa ko pang matalik na kaibigan. Sabay kaming nagpagupit ng buhok sa Jesi Mendez at nanakawan ako ng 315 pesos para lang sa isang simpleng gupit. (may ganyan kasi kaming pagkatao ng bespren ko, gagastos kunwari kumikita na ng libo-libo) pagkatapos ay wala akong ginawa kundi tawanan ang bago kong gupit! —tama daw ba kasing iklian ng sobra yung bangs ko! Ayan, panay kantyaw ang ginawa sa kin ng mga kaibigan ko. Para daw akong si Beauty ng PBB. Anak ng tokwa talaga.


Tapos nagliwaliw kami kasama ang dalawa ko pang kaibigan. Ang sarap sa pakiramdam na nakasama ko nanaman ang mga “tunay kong kaibigan”. Tipong lahat ng bagay pwede ninyong pag-usapan. Lahat pwede ninyong ilantad sa isa’t isa, kahit buong katawan pa. ha ha.

Sa totoo lang, nararamdaman ko ang hirap sa pagtuklas ng “tunay” na kaibigan sa mundong ginagalawan ko ngayon. Para bang, lahat ng nakikilala ko, isa lang ang gusto sa buhay nila—ang may makakasama.


Hindi sa pagiging judgmental, napapansin ko lang yun, marunong naman akong makiramdam e. pero naniniwala pa rin ako na makakahanap din ako ng tulad nila—mga tunay na kaibigan.


Isa sa mga binuhos kong sama ng loob sa bespren ko kanina ay ang pagka-sawi (kuno) ko sa aking hinahangaang si MR. MOJO JOJO.. sabi ko, hindi ko na siya hahangaan pa, dahil baka kung saan pa mapunta ang pagiging numero unong “stalker niya”. (kahit wala pa naman akong masyadong natutuklasan tungkol sa kanya) ititigil ko na rin, “taken” na siya e. ;( haha. Heto na talaga, sawi na ko. Ha ha ha.



Noong huwebes naman, masaya din ang araw ko. Pumunta ako, kasama ang mga kaklase ko sa asignaturang PhilArts 125, sa Metropolitan museum. E anak ng tipaklong, pagkatapos naming magbabad sa araw at maligo ng pawis, hindi rin pala kami makakapasok. (wag nang bigyang paliwanag ang pangyayari)


Pagkatapos ay nagkayayaan pumunta sa Harisson Plaza upang magtanghalian, kasama ko ang dalawa kong kaklase. Nagkwentuhan sa Mcdo, nagtawanan, at nagkakilanlan. Natuwa ako sa kanilang dalawa, para bang, komportable na kong kasama sila. Pero hindi pa rin, pakiramdam ko, hindi pa rin.


Halos isang buwan na rin pala ko sa paaralang ‘to, ang dami kong natututunan, hindi lang tungkol sa pag-aaral, kundi tungkol na rin sa iba’t ibang kwento ng buhay. Kanina lamang ay naganap ang “walk-out” na protestang itinatag ng mga estudyanteng “aktibista”, o sige pwede na rin nating tawaging—mga estudyanteng may lakas at tapang upang ipaglaban ang kanilang bayan.

Kahit gusto ko rin sumali sa kanila (dahil pati ako napeperwisyo sa nangyayari sa ating bansa! Biro mo! Pancit canton!8 php na!?) oo na muka nanaman akong pagkain, pero syempre lalong-lalo na sa walang-tigil na pagtaas ng gasolina na nagiging ruta ng pagtaas din ng pamasahe (panigurado babatuhin mo ko ng kamote pag nalaman mo kung gaano ka-LAPIT ang bahay ko mula paaralan).



Hay.. gusto ko lang matuwa sa buhay ko ngayon. .

Lagi ko kasing iniisip, at napagtatanto, “etong biyaya bang ito na makapag-aral ako sa isang magandang paaralan ay kapalit nang lahat ng kamalasang dinulot ko noong mga nakalipas na buwan?” o pwede ring, “..karugtong ba ito ng kamalasang iyon?!”
Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano ang dapat kong isaksak sa kukote ko. Minsan gusto ko ng umiyak ng dugo kapag hindi ko maintindihan yung tinuturo ng propesor. Minsan gusto ko ng lagyan ng pandikit ang bibig ko kapag tumatawa akong mag-isa sa upuan ko. Minsan gusto ko ng isalpak sa loob ng utak ko lahat ng hand-outs at pahina ng libro. Minsan gusto ko na rin sampalin mga katabi ko sa klase at buhusan ng mainit na tubig para man lang kausapin ako! Minsan gusto ko na rin pumalit sa puwesto ni OBLE, para may makapansin sa’kin at kaibiganin ako. Minsan gusto kong hilahin si MR. Mojo jojo at kaladkarin sa Robinsons. Oo nga mga kabaliwan ng utak ko yan. Kaya wag ka pong mag-alala, hanggang utak ko lang yan.


Salamat naman at kahit papano nahimasmasan na ko.
Hindi ko na siya hahangaan pa. hindi ko na hahangaan pa si MR. Mojo jojo. Kakalimutan ko na siya.

Siguro darating din ang isang tao—isang tao na magbibigay uli ng sigla sa bawat umaga.

Isang tao na kahit papaano ay magbibigay inspirasyon sa’kin. Isang tao na magiging positibong baterya sa sistema ko. Kahit isa lang Lord. Kahit ISA lang..

*kung sino man siya, MALAS niya. :)

No comments: