Pages

Monday, July 7, 2008

Hindi ka Perpekto.


“we can never know things as they really are..” “how you perceive something may not really be what it is in itself..” sabi ng Philo professor ko, unang klase ko tuwing lunes at huwebes. Sa totoo lang, hindi ko na mabilang kung ilang beses niya nabanggit ang mga salitang yan. Bawat paksa, binabanggit niya e. Kaya hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na isama sa notes ko ang mga sinasabi niya, na talaga namang may punto.

Ano nga ba ang tunay na katotohanan sa likod ng realidad? What is it that IS IN THERE, but we DON’T recognize it or most probably, we see it DIFFERENTLY?. Malamang, ang mga bagay na ating nakikita, o mga sitwasyong ating naiintindihan, ay depende lamang sa ating SARILING pag-iintindi, ano pa kaya ang mayroon bukod sa ating nakikita, naririnig, nahahawakan, natitikman o nararamdaman sa isang bagay? Hay, ewan ko ba, kahit ayoko ng paguluhin ang buhay ko, ginugulo pa din, dahil sa klase na to.. pero masaya ako pag tuwing Philosophy I, bakit?? Syempre.. nandoon si Mr. crush a.k.a Mojo jojo e. (kaso hindi niya pa rin ako Makita) huhu.;)



Naalala ko noong linggo, maghapon akong nag-aral para sa asignaturang NatSci I. dumaan ako sa SM manila para ibigay ang regalo kong cake para sa isang kaibigan, pero nagmadali rin akong umuwi dahil alam ko kailangan ko mag-aral. Todo yellow pad at nagmistulang coloring book ang notes ko, ewan ko nga ba kung pumasok lahat sa sistema ko. Pagdating ng lunes, akala ko kahit papaano makaka-80% ako (which is yung talagang kailangan mong makuha para maganda grado mo). pagkatapos kong magsunog ng kilay at magbuhos ng dugo sa pag-aaral, sadya atang masaklap ang tadhana sa’kin. Hindi ako umabot. Wapaks! Pero kung tutuusin, pasado naman dapat siya e, its just that kailangan 80% ang makuha. (bakit ba ganito!)


Iba’t ibang reaksyon ang naganap pagkatapos naming malaman ang mga resulta. Dito ko nakilala pa ang mga tao sa paligid ko. marami rin ang nadismaya, may nagwala! —ayaw na daw niya mag-aral, (pareho naman kami ng score, pero ako cool lang). yung nasa harap ko, aba! Umiyak ang loka! Nakiramay naman ang mga kaibigan nito at akala mo’y namatayan na.


Sa bagay, ako rin naman dumaan sa pagiging emosyonal. Lalo na noong hayskul ako. Mabilis akong madismaya kapag bumabagsak ako, tipong kahit nag-aral naman ako. Iniyakan ko na rin guro ko noon, dahil hindi ko rin matanggap na mababa ang grado ko. Tumapak ako sa kolehiyo, pero napansin ko ang mga pagbabago. Noong nakaraang taon, aaminin ko, naiinis ako sa sarili ko kapag hindi ko natatamo ang mataas na gradong inaasahan ko. Pero ngayon, ewan ko ba, parang naisip ko na lang, “bakit ako iiyak kung nag-aral naman ako at sigurado ako na binigay ko ang lahat ng makakakaya ko?”, at isa pa, “bakit ako madidismaya sa ginawa ko, kung alam ko naman sa sarili ko, na nagsikap ako?”


Ang galing!!, oo nalungkot ako syempre, nadismaya, pero panandalian lang. naisip ko, “first quiz pa lang naman e” pwede pa kong bumawi..diba? totoo nga na ang mga taong “matatalino” ay madaling tamaan ng depression. Dahil na rin sa mataas na expectations nila sa kanilang mga sarili. (aba suicidal pala mga to!) ha ha. Para sa’kin, mas maayos siguro kung balanse lang lahat. Ipantay mo ang sarili mo sa linyang hindi mataas at hindi mababa. Alamin mo ang lakas at kahinaan mo. dapat ay balanse ka rin mag-isip, wag kang mag set ng standards sa sarili mo, kung gagawin mo ito; dapat normal lang, magsikap ka at matutong tumanggap ng pagkatalo. Hindi naman tayo perpekto e. Pero may kakayahan tayong bumangon tuwing bumabagsak.


Nahihirapan pa rin ako sa buhay ko dito. Kinakaya ko pa rin ang lahat ng mag-isa. Sa kabila non, iniisip ko pa rin na hindi dito iikot ang mundo ko. Balang araw, may mga kaibigan rin akong maituturing. Tipong tunay at hindi basta kasama. Ayoko kasi ng ganun-ganun lang.


Pagdasal po nating lahat ang kalagayan ng aking mahal na ina. Sapagkat nasa ospital nanaman siya ngayon. Hindi naman malalala. Kailangan niya lang ng pahinga. Salamat sa mag-bibigay pansin.. ;) nawa’y mag-ingat tayong lahat.;)

No comments: