Pages

Tuesday, October 27, 2009

SEMBREAKKKK!

MagbBLOG ako dahil:
1.)SEMBREAK KO NAAAAAAA!!
2.)Ang tagal ko ng di nagsusulat ng matino.
3.)Namimiss ko na magblog. *awwww*
4.)Ang dami ko ng kwento.
5.)Gutom na 'ko.


Alam mo ba yung pakiramdam kapag kunwari naglakad ka ng walang pahinga mula Monumento hanggang Edsa nang alas-dose ng tanghali. Tapos babalik ka ulit sa Monumento kasi di ka pa pagod, tapos maglalakad ka hanggang Baclaran ulit, tapos feel mo pa maglakad so pumunta ka ulit sa may T.M. Kalaw, e hindi ka pa na kontento, naglakad ka pa papuntang Espanya. Tapos nung naramdaman mo na 'yong pagod, umuwi ka na, e sa Quezon City pa pala yong bahay mo. Naglakad ka ulit kasi baha na sa Espanya, bumagyo daw. Walang masasakyan. Pagdating mo sa bahay, pagod na pagod ka na. kukuha ka ng isang baldeng tubig, ng maraming pagkain, tapos pupunta kang kwarto at hihiga sa kama, sabay aircon.

Diba ang sarap??

Sarap sarap talaga. Akala ko ibabagsak ko lahat ng subjects ko this sem. Kasi masyado akong na-depress na mag-isa lang ako sa marami kong subjects. hahahahay.. Thank you Lord. :D

I think I ended the sem just right, nagawa ko naman lahat ng dapat kong gawin, kahit bara-bara, kahit naka-singko ako sa isa sa mga exam ko sa HUM I (e anak ng talong naman! kahirap ng mga essay niya! halos lahat naman e bumagsak. bwahaha) First time kong ma-singko sa buong tana ng buhay ko. Nung elementary ako, akala ko may "special powers" ako sa essay. Kasi ang goal ko dati nung bata ako, e gawing mahaba ang essay ko para mapansin ng teacher. Paminsan nga aabot ako ng 3 intermediate paper, back to back! Haha. Halimaw naman kasi 'yong handwriting ko non, sobrang tataba ng mga letra. Haha. Luckily, lagi nga akong napapansin. Once, na-publish bigla yung isa kong essay sa school paper chorva, nang hindi ko alam ha! grabe di man lang nagpaalam! wahaha. Pero nung hayskul, ayyy.. joblaks na. Pag hindi ka kasi sa star section, hindi ka pansin. Pero nagsipag pa rin ako non. Napansin pa rin naman. Kaso lagi naman akong talunan sa mga essay contest. Hahahaha. Saya.


Anyway.

Masaya nga ako. Ang dami kasing pagbabago this sem. Particularly this year. Naging yaya ako ng di oras. Naging katulong. Iisipin mo bang naglalaba ako? Naghuhugas ng pinggan? Naglilinis ng bahay? Naglilinis ng banyo? :D haha. Hindi sa ano. Pero siguro pag nakita mo ko hindi mo iisipin na ginagawa ko 'yon. Pero I did. Simula nung nakulangan kami sa maids. Tapos naiiwan ako sa isa naming bahay magisa. Madalas kasama tatay ko. Nagiging housegirl ako, yaya at estudyante. Nakakapagod palang maging katulong. Biruin mo, dapat lagi kang aware sa paligid, kasi pag hindi, pagpi-piyestahan ng mga ipis 'yon. Tapos ako pa nagpapakain sa'ming dalawa ng tatay ko, everyday yon, depende pa kung anong gusto niyang pagkain. Basta katulong talaga. Sobrang STRESSED talaga 'ko ng mga araw na 'yon. One time tinext ko nanay ko, sabi ko sa kanya, kailangan ko na ng psychiatrist sa sobrang stressed sa tatay ko. Tinawagan niya ko kaagad, sakto lang kasi iyak na ko ng iyak. First time kong naging ganon sa kanya, at siya rin. Madalas kasi, iniignore lang ng mama ko yung mga qualms ko, feeling niya, petty palagi yung reasons ko. Haaaay. Basta. Not everything we see, is not how it is talaga. I may look like I'm very dependent, walang pakealam, at walang alam. Pero not really.

Na-appreciate ko ng sobra yung mga roles na ginagampanan ng mga maids. Kaya paglaki ko talaga, hinding hindi ako dedepende sa katulong. Magtutulungan kami! :)) hahaha.


Naisip ko rin, sobrang hirap ng sem na 'to. Hindi lang dahil sa pag-aaral. Mahirap talaga lahat ng pinagdaanan ko. Para sa 'kin. :D

..I was not allowed to do things that i want, hindi ako pwedeng lumabas hangga't hindi valid reason. Ang malungkot don, natuto na 'kong tanggapin ang katotohanang hindi talaga 'ko malaya. I'm allowed to create lies and fabricated stories. That is, if i cant be caught. Nahuli na rin ako minsan. Pero I continue to do so. Paano na lang ako? Paano na lang kung mabaliw ako kaka-aral, kaka-kulong nila sa'kin sa bahay, kaka-pilit nila ng mga bagay na hindi naman totoo.. Mas mahal ata magpa-mental hospital ngayon..

Okay na rin siguro 'yong ganito.
mamamatay na lang ako sa inggit. haha..
sa mga kabataang malaya.
sa mga kabataang binibigyang ligaya ng mga magulang nila.

Sa susunod na lang ako magpapakasaya
Minsan masaya na 'ko ng walang ginagawa e.
Natatakot ako kasi.. Baka tuluyan na 'kong maging psychopath.
Ayaw ko. Kaya kahit against the rules. Ginagawa ko kung ano ang makakabuti sa akin.
Para rin naman sa kanila 'yon e..

Haaay.
Sa susunod na lang ako magpopost ng sensible na entry. :D

alabyow!


No comments: