Pages

Sunday, August 2, 2009

Lahat ng gusto ko ay susundin ko.

Minsan parang ang hirap habulin ng oras. Parang lahat mabilisang dumadaan sa pagbabago. Ang hirap. Parang ayaw mo na lang gumalaw. Pero hindi mo maiiwasan e. Lahat ng bagay, tao, hayop--nagbabago. Hindi ko na lubos maisip kung bakit lahat ay biglaang nagbago sa napakabilis na panahon. Isang taon na rin pala. Parang kahapon lang namomoblema ako sa paghahanap ng pares ng puting medyas.


Naalala ko nung Hayskul. Gustong-gusto ko maging officer kahit serdyenttatarms(na tipong tatayo ka lang para magpatahimik ng klase). O kaya kahit asst. of asst. secretary (kung may ganon man). Pero sa kasamaang palad, ni minsan hindi ako naging officer. Siguro dahil wala lang talaga silang tiwala sa'kin. Ako kasi yung taong sobrang tahimik at sobrang ingay. (gets mo ba?). sobrang tahimik ko sa klase. pero alam nila kung anong kulo meron ako.


Pasaway. Magulo. Mahiyain. Tahimik. At hindi mapagkakatiwalaan.

Nakakalungkot pero ganon talaga.

Natutuwa ako kapag ginagawa akong Lider sa isang grupo. Madalas naman akong nagiging lider nun. At pagiging lider=ikaw gagawa ng lahat. Gusto ko yun. Yung sinasagad yung pasensya ko. tipong sasabog na 'ko anumang oras pero go na go pa rin.

Gusto ko yung napapansin ako. Hindi yung ordinaryong pansin. Yung papansinin ako dahil may kakaiba akong talento at kakayahan. Sa kasamaang palad, hanggang pangarap muna 'ko.

Hindi ko maiwasan maging emo sa buhay. Ikaw kaya tingnan bilang "walang kwenta" at "walang maibubugang" tao?

Pero gusto ko palaging masaya. Yung may tawanan to the infinite level. Gusto ko yung may kasamang inuman. Tipong tatawa lang kayo ng tatawa. Siguro yun yung pinaka-kulang sa buhay ko ngayon.. yung magpapakasaya at kakalimutan lahat ng problema kahit sa kaunting oras lang.


Ang importante. Nagagawa ko pa ring magdasal at magpasalamat.
Ang importante. Hindi ko nakakalimutan kung sino ako, at kung ano ang gusto kong mangyari sa buhay ko.

Ganun dapat. Sabay ka lang sa pagbabago at huwag magpupumilit na ihinto ang oras kung hindi naman mahalaga.

Diba.

No comments: