Pages

Saturday, November 15, 2008

HINTO.

I used to hate stop signs. Of course it is undeniably helpful, especially if a certain individual is actually responsive and obedient enough to follow it. Although, I really used to hate it when I was a kid, since it causes a delay of 3-5 seconds and that even though there are no hindrances, no vehicles around, it’s still a must to stop.

Sabi ni nanay (sabay tagalog o)

Para daw hindi maging kumplikado ang kalsada, kailangan huminto kapag may mga ganitong eklaboo sa kalye.

Naisip ko. Parang buhay. Kailangan, every once in a while, you need to give attention with these stop signs. You need to look around and sense what’s been going on lately, not only in your surroundings, but profoundly, look inside yourself. Hindi pwedeng gora ka lang ng gora, I think its rather detrimental to keep yourself going without even taking a break.

Stop. Look. Listen.

Ang buhay ko? Parang nangangarerang mga pagong nanaman.

Nagmamadali, natataranta, pero parang ang bagal-bagal pa rin, ang kupad-kupad, hindi alam kung saan ang tamang direksyon.

Why do we need to stop? I think it’s more of a Pause.. Then consequently, it would be easier for you to look, not just look, but see things in a different viewpoint. Lastly, listen.


Demonyo: psst! Jade may sasabihin ako! You’re surrounded with selfish people, don’t you know? how could they? Hahayaan mo na lang silang ganunin ka? Okay na sila? e paano ka? Kumilos ka! Vengeance! magRebelde ka! Wag ka na mag-aral! Mag-pakaLasing ka sa zonrox!

Anghel: Jade, hindi nila kasalanan na hindi na bearable para sa kanila ang makatulong pa sa’yo. Hayaan mo na. Hayaan mo na sila. Darating ang araw na magiging maayos din ang lahat para sa’yo. Be strong. Be faithful. Basta gawin mo ang tama at ang nararapat. Wag kang hihingi ng kapalit sa kahit ano. Keep praying. Keep believing.

Demonyo: Hay nakong babae ka! Hindi ka dapat nagpapa-uto sa mga ganyan! They’ll take you for granted! They’ll never appreciate you! And you will never be happy! kill yourself! O cmon!! Go suicide!

(nag-hyhysterical na si demonyong bakla, kung anu-ano na nasasabi)

And then there goes my second semester.

And here goes my life.

Magulo. Masaklap. Masakit.

Pero salamat at may mga taong handa pa ring tumulong, handang magtyaga, at hindi makasarili.

Emo nanaman ako.

Salamat sa stop sign.

Napahinto ako. At ngayon, handa akong tumingin, handang makinig, para mas maging malinaw ang kalsada ng buhay para sa’kin.



Magandang gabi.

No comments: