Pages

Saturday, October 11, 2008

Semi-sembreak.

1:32 A.M. – araw ng Linggo (dahil kanina ay sabado). Tapos na ang huling linggo ko sa paaralan. Tapos na ang mga lessons at tapos na rin ang mga nakakapatay na mga gawain. Ano ibig sabihin nito? Awwww.. SEMBREAK?!!
wow. Oo nga noh? YEHEEEEYYY!
Pero teka..

May eksam pa ko sa susunod na biyernes.
ENGGGGGG. :((

Social Science I. At Komunikasyon I.
Magkasabay pa sa iisang araw! Isang oras lang ang pagitan! Ang saya!

Napakasaya namang sembreak o!!

I love iiiiiitttt!

May 2 papers pa kong dapat gawin! Wow. Ang saya talaga. Lets parteh!! wooot!!

Is this how sembreak works in UP? Haha.
Sabi nga ng ama ko. Lagi daw huli magpasembreak ang UP.

Aba. Hindi lang pala huli. MALABO pa. Kasi sa iba. May finals week kung tawagin. Pero dito? Ewan ko. Ang labo din ng mga sagot ko sa mga nagtatanong.

Hay. Nakakamiss.

nakakamiss maging masaya. Haha. Emo nanaman ba ko? Hindi naman. Para kasing, walang patutunguhang matino tong buhay ko e. ang gulu-gulo. Ang laaaaaabo.

Paano mo ba masasabing masaya ka? As in masaya ka?
Kapag napapatawa ka?
Napapa-ngiti?
Napapa-iyak sa tuwa?
Napapa-sakit ang tiyan kakatawa?

Ano ba?
Kailangan ba ganun?
Pero alam ko masaya naman ako.
Hindi ko kailangan ng kaligayahan mula sa iisang tao.
Pagod at sawa na ’ko sa mga ganun.

Ibibigay mo ang puso mo sa iisang tao?
Bakit?

Pwede namang sa lahat na lang e.

Kung mangyayari yun, siguraduhin mo lang na yung pagbibigyan mo e, hindi niya ibabalik yang puso mo nang durog o kaya kalahati na lang.

payong kaibigan lang.


Bakit ba ang hilig natin manakit ng tao?


TUGUSH..
*Natamaan ang nagtatayp. Pati na rin ang nagbabasa*

Ang hirap talaga kapag humahanga ka sa isang taong hindi mo naman kilala. Gusto mong magpapansin. Gusto mong magpakilala. Pero hindi mo magawa. Gusto mong ipakita na gusto mo siya. Pero hindi mo magawa. Gusto mo siyang abutan ng yellow paper. Pero hindi mo magawa. Gusto mo siyang pahiramin ng bolpen. Pero hindi mo magawa. Gusto mo siyang pakopyahin sa eksam. Pero hindi mo magawa. Gusto mo ibigay ang numero ng selpon mo. PERO HINDI NAMAN NIYA KAILANGAN. Hahaha.

Siguro balang-araw mapapansin ka rin niya.
Hindi mo rin kasi siya pinapansin e. Kaya hindi ka rin niya pinapansin. (Pampagaan ng loob)

Hay. Gusto ko maramdaman ang Sembreak!
Magpakalayo. magpakaSaya. MagpakaBaboy sa paglamon at pagtulog.

PAALAM.

No comments: