Pages

Monday, October 1, 2007

Just another Day.

Same scenario happened again this morning. I hardly woke up and I couldn’t feel the urge to get away from my blanket. I was again feeling miserable, cause I know, no matter what I do, my day is just going to be the same old day I used to deal with everyday. Sana nga nasa school na lang ako palagi, para mabawasan yung sad thoughts ko. Pero, kahit na nasa school ako, may mga things pa rin na totally nagpapalungkot pa rin. =(

Anyway, sad intro nanaman, haha. Damn.

wooo! my first entry for the month of OCTOBER. =) woooo. christmas is coming! yehey! hehe. excited?=)

(ryan- the silver ranger! haha!)
First time atang umabsent ng favorite prof ko sa NatSci. =( hay, un pa naman pinaka aabangan kong class, DUN lang kasi ko interested mag-aral. =) hehe. Anyway, maaga kami dinismiss sa 2nd subject so, nagtusok-tusok trip muna kami. Haha. Lafang ng kikiam, and buko juice. =)

It was nice knowing that most of the students from Lyce eh, tipong simpleng mamamayan lang din. punong-puno ng tao ang bilihan ng Tusok-tusok eh. =) sarap lumamon! Ahaha.

1 more week and HURAAHH.. tapos na ang 1st sem! =) yahoo. Im excited! Sana bagong classmates naman?! hehe. Joke. Syempre sana yung ngayon na rin, mahirap kasing mag-adjust nanaman eh. =) diba. So un, goodluck na lang sa finals ng marami sa atin!=) we can do this! Woooo!=)

nakakakaba, I mean, parang wla akong masyadong natutunan this finals e, ewan ko ba!=)

hmmm, for this entry, I would like to tell you the things that I really miss in HIGH SCHOOL at my beloved alma mater MCS. =):

(ang dami, in fact sobrang nakakamiss)

-“CLASSMATES PILA NA! BY CLASS NUMBER!” men! Walang wala ng ganyan ngayon! Wooo. Siguro pag may tour, pero syempre gulo-gulo. Not like nung high school dapat talagang disciplined sa pila.. =)
-“Get 1 whole sheet of paper!”.. “ms. One whole?!” haha. Isa ko dyan. Gawain ko rin yan eh. ;p
-nakakamiss din ang mga activities sa GYM. Mga General Assembly.. =)
-First Friday Masses. =) hay, kakamiss ang malate church every Friday. ;p
-GLEE CLUB. Fore mostly, un talaga yung pinaka namimiss ko. I dnt know why, hindi ko nga lubos akalain na mamimiss ko rin pala yun!? Darn.
-Mga late practices ng gleeclub, mga rehearsals, mga contests, mga programs, hay, I miss those..
-My Teachers! Haha, iba pa rin pala ang tatak malate na teachers. ;) pwedeng pwede sa kolehiyo, sana nga sumapi na lang si Ms. Tuano sa isa sa mga prof namen! Hehe. ;)
-PASKORO. Sympre kakamiss to, wala ng ganyan ngayon. =)
-Mga pagkaing nasa plastik! =) woooo! Tska yung hotdog on stick. =) hehe.
-Ang CLEANERS. Kakamiss maglinis ng room! Haha. (well, ang gawain ko naman kasi noon eh tagapunas lang naman ng blackboard) hehe. ;p
-Si Guard! Yung babaeng Guard na mahilig mang-PITO. ;p
-Hmmm, ang cellphone inspections? Ung tipong, kabang kaba ka pag may dala kang CP. ;p waw. Namiss ko un? Haha. Kalokohan.
-Ang tambayan sa labas ng campus. Oh yea, I miss it. bihira na lang ngayon ang tambay2 sa’min.. ;)
-Ang Computer Lab, currently, wala kaming subject na related sa Computers, that’s why nakakamiss din. =)
-Ang NOTEBOOKS! Haha! Ang completion of notes. The heck with that. =) pero I miss it somehow, writing marathon! =)
-And MOST OF ALL, my High School pals and classmates! =) wth! I so miss them all. =( iba pa rin yung bonding na meron sa loob ng classroom pag high school eh. =)


Hay, im being lunatic again, but to tell you, super namiss ko yan lahat. Actually ang dami ko pang namimiss eh, pero yan na lang muna. Hehe. Kaya high school students out there, make the most out of it. I’m sure you’d be missing it too pag naggraduate na kayo, hehe. =)

I love college na, I can hardly believe na college na pala ko. Feeling ko I’m still in high school eh. Swear. Haha.

So since it’s already 1:30 a.m..
I think its about time na matulog na ko.
and WAAIIIIT..
you know what just happened less than a minute ago?


*1 new message*

"gudnyt. . miss na kta :,c"

(shoot! nagulat ako).

aww. i miss you too. =(
im glad kahit papano nagparamdam ka. =(

No comments: