Pages

Saturday, August 21, 2010

Hikab at Gamu-gamo

May natutunan ako nung isang araw. Nais naming malaman ng kaibigan ko kung ano ba ang direksyon ng hangin kapag humihikab ang isang tao. Inhale ba o exhale? Babaw diba.

Nakakapagtaka lang kasi parang chronic talaga ang paghikab. Pag may nakita kang humihikab parang gusto mo ring humikab. Saya. So sa sobrang curiosity, every time hihikab ako, pinagaaralan kong mabuti ang hininga ko. Ang hirap pala. Napatunayan kong napakadali kong ma-distract. Wala pang tatlong segundo, mapapatigil ako sa paghikab, dahil sa sobrang pag-iisip. Nawawala sa konsentrasyon ang paghikab ko (meganon?).

Ayoko pa naman ng pakiramdam ng nabibiting hikab!!! GRR!! RAWRR! BRRRR!! EERRRR!! <---parang daynosor na naipitan ng dila. haha!


So yun nga, ayon sa di masyadong mabusising pag-aaral, naatuklasan ko na ang paghikab ay isang inboluntaryong aksyon, na kahit mga fetus daw e humihikab na. At INHALE ang ginagawa tuwing humihikab para magdala ng oxygen sa lungs. Akala ko nung una exhale e, try mo minsan para kasing exhale. (ang hirap kayang magisip habang nagyayawn). At walang konkretong basehan kung bakit nagiging kahawa-hawa ang paghikab, pero napakarami na ring pag-aaral ang isinagawa ukol dito, at wala akong pakealam sa mga yon dahil sa totoo lang gusto ko lang sabihin na ang sarap humikab!! Yey! Nasabi ko na! At habang sinusulat ko 'to ay naka-tatlong hikab ako, (oo binilang ko, bakit ba?) haha!

Kung may kabuluhan man itong sasabihin ko, o wala, pasensya na. Narealize ko lang na kahit anong pilit ko sa sarili ko na magpokus sa isang bagay, na magpokus sa masasayang bagay, pilit pa ring lumulutang ang mga bagay na pilit ko ring ibinabaon sa limot. Word of the blog: Pilit.

Lahat ng binlag (Everything that I have blogged) ko noong mga nakaraang taon ay pilit kong kinakalimutan para makapagsimula ng mga panibagong kwento. (May english version yung kanina kasi parang ang labo ng salitang "binlag" parang slang ng banlag. Ex: "Ew, you're so binlag!")

Na-distract nanaman ako.

*
*
*
*

HIKAB

*
*
*
*

Soooo ayun ngaaaaaaaaaa. masaya lang talaga ko ngayon, hindi ko alam kung bakit. siguro dahil pakiramdam ko nagpaparamdam sa'kin yung lola ko. (feeling-feelingan lang naman)

Nitong linggo kasi, may namamasyal na gamu-gamo sa bahay. Yung una kong nakita doon sa isa naming bahay, nagpalipas ako ng oras doon dahil tatlong oras pa bago magklase. Aaminin ko mahilig ako sa Paru-paro, pero utang na labas!!! wala akong kahilig hilig sa gamu-gamo. Sobrang takot ako sa mga ganyang insekto. Alam niyo yung pakiramdam na lalaki siya tapos kakainin ka ng buhay? Parang ganon! Sinisisi ko ang mga palabas na kartun na nagpapakita ng mga insektong nagiging higante. At dahil na rin sa mga kasabihan na kapag may gamu-gamo, binibisita ka daw ng namatay mong kamaganak? Or whathaveyou! Napaisip ako kung lola ko ba yan, o lolo o yung namatay kong hamster dati..

Itim yung una kong nakita. Hindi ko alam gagawin ko kundi mag-panic. Kaya nagtago ako sa kwarto kasi nasa sala siya. Peste talaga. Sobrang di ako natutuwa kasi nanunuod ako ng TV noon, naiwang bukas sayang sa kuryente! Tatlong oras akong nasa kwarto at nakatulog na lang ako imbis na manuod at mag-aral. Buti na lang paglabas ko wala na.

Pangalawang gamu-gamo ay kulay brown. Sa skul ko naman nakita! (Wow. Sinusundan mo ba ko? ha? Stalker ka ba? Nagiiba ka lang ng kulay? Syet ka!) Tapos paguwi ko sa bahay, sa tunay naming bahay (labo! haha), napatigil talaga ko sa hagdan dahil nandun sa pader kulay brown din! Grabe talaga. Tag-moth nga ata ngayon!

At kaninang umaga ang huling (SANA HULI NA TALAGA) paghaharap namin ni stalker moth! Gumising ako ng maaga at naghilamos. Naiwan kong bukas yung pinto ng kwarto ko. Pagpasok ko, ayun na si stalker moth, ang baba ng lipad niya, tapos naglanding siya sa strap ng bag ko na nasa sahig! Grabe kulang na lang magkulong ako sa banyo at sa aparador ko.

Ayun pinawalis ko siya, at sobrang behave niya nung winalis siya, hindi man lang lumipad lipad (baka patay na?) hindi e! labo.

Feeling ko lang talaga. May nagpaparamdam. Noong isang linggo kasi, super emo ako. timang na emo, actually. emo-emohan. (Oo na ikaw ng emo!)

Nagpapasalamat ako sa stalker moth na 'yon. Ewan ko. Feeling ko kasi its a sign. (Sign na mamamatay ka na? Haha, emo nanaman.) Hindi!! Sign na sobra na siguro akong magisip ng kung ano ano. Dapat harapin ko ang ngayon. Kung anong meron ngayon. Pahalagahan yung mga nandito ngayon. Hindi 'yung nawala na, mga nangiwan, at mangiiwan pa. Hindi na nga dapat iniisip yung mga ganon.

Emo, layuan mo ko! haha! *YAWNNNNNNNNNNNN*

2 comments:

Anonymous said...

dapat nga "emojade lim" ang pangalan mo. hahaha ;-)

Anonymous said...

You without doubt have a style all your own when it comes to creating these nice blog posts.