Pages

Saturday, July 2, 2011

Try and try until you cry

Wala akong magawa.

Pero may gagawin ako. Dapat ko tong gawin. Kasi inurong na nga to eh. Dapat nung Biyernes ako magrereport sa isa kong major. Ayan, hindi ko alam. Tanga eh. Nag "awa" look ako sa prof at sinabing hindi ko alam na 2 reporters per day (seryoso, totoo, hindi ko alam. haha) at mukhang umubra ang aking "puss in boots" eyes at sinabi niyang next meeting na lang daw ako. HEHEHE >:) Sana pwedeng eto na lang din gawin ko pagdating ng Thesis defense.


Myaw myaw

Naiinis ako sa buhay ko ngayon. Wala lang. Nakakainis lang. Uso pa ba ang Anxiety Disorder? Pakiramdam ko meron ako nyan eh. Pero alam kong nagpapaka-OA ako ngayon. So hindi. Neber the matter na lang.

Parang tanga lang talaga 'ko. Hayun. May mga iniisip kasi ako ngayong 4thyear na 'ko sa UP. Una, hindi ko talaga feel. Ewan ko, parang ordinary year lang, parang next year meron pa ulit or this is just another year to go through and another one will come. Hindi ko talaga feel na ga-graduate ako. Hindi talaga.

Mukhang katanggap tanggap naman ang GWA ko sa ngayon kaya hindi ako masyado kinakabahan, ang magkaroon ng 1. something ay malaking bagay na (kahit SABIT lang) haha. Malaking bagay na yun dahil ni-minsan hindi ko naimagine sarili ko na matututo akong mag-aral ng matino. Nung hayskul, lagi akong sabit, top4, top5, hindi kasi talaga ko papansin at napakarami kong iniisip--pamilya, boyzzz, girlzzz--kaya distracted ako palagi. Ngayon, syempre distracted pa rin, katulad nitong blog na 'to, distraction to eh, pero ang maganda (hindi ako), natuto akong mag-maniubra ng tao, este, ng oras.

Paano ba talaga ko mag-aral? Actually wala akong study habit na matino. Kung pwede ng study habit ang one day bago mag eksam/kwiz, edi yun. Pero minsan ganito.. pag dalawang eksam sa isang araw, uunahin ko yung madali (okay, wala naman talagang madali, so yung sa mas mabait na prof na lang), tapos sa isang araw naman yung mahirap talaga, tapos the next day na yung eksam/kwiz. gets? Wala lang. Hindi talaga ko masipag na tao. Kapag sinipag ako, mahuhulog lahat ng tala sa daigdig at magpaparty in Manila bay dahil minsan lang mangyari yun. Masipag ako pag galit o pag napanaginipan kong patay na si Noynoy.

Masipag ako gumawa ng report. Ewan. Pinapangpraktis ko kasi ang pagreport. Dahil na rin sa napakatindi at everlasting Stage Fright slash in-front-of-the-class fright ko. Minsan nga nakakapanghinayang na pinagpraktisan mo yung isang bagay tapos sure na sure ka na na hindi mo ipapahiya sarili mo, pero pagdating ng araw ng hatol, punyeta parang binuhusan ka ng 'sang dosenang sako ng yelo sa sobrang kaba. Nonsense.

Oh well. Marami na rin akong naintindihan sa loob ng apat na taon. At sa totoo lang, sobrang eksayted na 'kong grumaduate! Sobra! Gusto ko ng kumita ng kwarta! :)) Parang daig ko pa nanalo sa lotto na may 350 million pesos na premyo kapag nahaplos ko na ang sertipikasyon ko. 4 years of hardships. Hindi biro 'yun. Hindi biro para sa ating college students 'yun. Diba? Depende na lang kung sumasideline ka sa propesor mo para pumasa? Hihihi >:)

Parinig aside. Wala na 'kong ibang pakealam ngayon kundi ang makatapos. Walang pakealam sa iisipin ng mga kaibigan, ng pamilya o ng kahit sinong epal. Heto na 'yun eh. Ako 'to lahat. Nakapasa ako sa UP dahil SAKIN. Hindi dahil sa ibang tao, hindi dahil sa mga santo (dahil sa totoo lang, hindi ko naman 'to ginusto, hindi ko naman tinangkang ipagdasal na makapasok ako dito dahil akala ko wala naman talaga 'kong maipagmamalaki). Totoo nga ang sabi nila, mas madaling makapasok sa UP, pero mahirap makalabas. Isang malaking hamon para sa lahat ng isko ang makatapos. Kahit anong kurso pa yan, lahat may kanya-kanyang ka-toksikan. Kaya, goodluck sa ating lahat na mga 4th year. Huling pagkakataon. Let's make it right, yeah. Boobye!

No comments: