Gusto kong bumalik sa dati. Gusto kong huminto ang oras. Ayoko na. Ayoko na ng ganito. Masyadong mabilis ang mga pangyayari.
Ayokong bumalik. Sa mga panahong hindi ko mapatawad ang sarili ko. Sa mga bagay na ginagawa mo, na hindi ko matanggap.
Pero ayokong abangan ang bukas. Kasi susubukan nanaman tayo ng tadhana. Susubukan nanaman ang kakayanang bumangon kahit walang gana.
Gusto kong manatili dito. Kung saan hindi gumagalaw ang oras. Kung saan lahat ng bagay umaayon sa gusto ko. Kahit sa panaginip lang.
Gusto kong bumalik sa mga araw na masaya ako. Na masaya tayong lahat. Walang iniisip. Walang pinapasan.
Mahirap huminto. Hindi hihinto ang mundo para sayo. Kailangan mong kumilos. Kailangan mong gumalaw kahit hindi mo gusto. Kahit anong gawin mo. Hindi hihinto ang mundo para sayo.
Tapos na ang mga araw na hinihiling mong 'wag sanang matapos. Ngayon, sana matapos na lang lahat. Sana nasa dulo na 'ko ng paglalakbay.
Aanhin ko pa ang marangyang buhay? Kung pasan ko naman ang mga bagay na hindi ko naman dapat pasan.
Sa totoo lang, hindi totoo ang pag-ibig. Nililinlang ka lang nyan.
Hindi totoo ang kaibigan. Pag kinailangan mo wala naman. Pag kinailangan ka, wala ka rin. Magkakilala lang kayo.
Sino bang may gusto nito? Ako ba? Ikaw? Sila? Tayo?
Ako ayoko na. Pero gusto ko pa.
Gusto ko pang bumangon.
Gusto ko pang lumingon.
Gusto ko pang maghintay.
Hindi ko alam ang hangganan nito.
Pero maghihintay ako. Hindi na ko lilingon. Hindi rin ako aasa.
Maghihintay ako. Kahit sa dulo ng hangganan ng pangako mong hindi mo ko iiwan.
Pero pababayaan na kita. Nandito lang ako. Hindi mo kailangan lumingon.
Hindi mo kailangang maghintay o maghabol.
Magmahal ka lang. Nandito ako.
1 comment:
i love reading your blogs. :)
- stancen
Post a Comment