Pages

Friday, April 2, 2010

Check!

If I would have to vote for our next fraudulent president, I would not vote for someone who’s indeed, a liar in disguise, if you’re keen and aware enough you’ll know who’s telling the truth and who’s not. We should not let ourselves be deceived by someone who campaigned earlier than the others, who established unnecessary infrastructures or “roads” saying it’s essential though it’s for the sake of wealth. I also won’t vote for someone who uses his/her past history as a poor to be pitied of by people, even if it does not deserve any sympathy at all. Everyone can go from rags to riches; it does not need any presidential help to achieve so. I would not also vote for someone who uses other people’s credentials or parents’ credentials even, it certainly does not equate to the person’s capacity to lead the people, moreover someone who focuses too much on the faults of other candidates and of other people as well and showing off a perfectly “clean” conscience that would eventually lead to nothingness anyway.

No one can completely disguise themselves as if their real purpose is to serve the country. I beg to differ, dear candidates. You can say you’ll expunge poverty or the poor, but what exactly will you do? Give them decent houses? Provide education? That is exactly the right of everyone in this country, it is not some donation nor should something that people be happy about because it is their right to be provided with those things. If it weren’t for GREED, none of this would’ve happen, and if it will, it would not have been this much.

PARA SA AKING BAYAN

Masyado tayong nasilaw sa maraming bagay, at patuloy na nagpapasakop sa mga dominenteng tao, walang masasakop kung hindi nagpapasakop. At hanggang ngayon ay nakagapos pa rin tayo’t umaasa pa rin sa iba upang itayo ang ating naghihingalong pundasyon ng nasyonalismo. Ngunit gaano mo ba kakilala ang bansa mo? Nasabi mo na ba sa iyong sarili na masaya ka sa pagiging likas na Filipino? Hindi ba’t mas nakatutuwang sabihin na may halo kang intsik, espanyol, hapon o amerikanong dugo? Sige wag kang sumangayon, kung marami kang pera pambili ng burger sa Mcdonald’s, pupunta ka pa ba sa Jollibee? Bawal ang sinungaling. Sa totoo lang, hindi natin masisisi ang ating mga sarili kung mas sangayon tayo sa produkto ng ibang bansa, produkto meaning hindi lang pagkain, pati ang kultura at sining ng ibang bansa. Ano ba ang meron tayo bukod sa Sexbomb at Kembot girls ni Willie? May pumapansin ba sa Philharmonic Orchestra? Pumupunta ka ba sa mga museo ng bansa? Sino bang nanunuod ng Diz iz it, mga intelekwal? At ano bang saysay ng Panday Kids? (Halatang ayoko sa GMA), kung tutuon tayo sa sining ng ating bansa, maraming magsasabing BAKYA ang ating sining, o bulok.

Ano bang pinagaaralan sa Philippine Arts? Dalawang taon na rin ako dito, hanggang ngayon hindi pa rin ako ligtas sa maraming diskriminasyon. Pero ayos lang, bilang isang Filipino, likas na tayo ay lapitin ng diskriminasyon, ang pagiging babae ay isang diskriminasyon, hindi mo ito napapansin kasi panay ang bili mo ng Starbucks kaya feeling mo, angat ka na sa iba. Kung isa ka sa mga taong tumutuon sa mga isyu ng bansa, masasabi mong tama ako, na nagiging bulag, bingi, manhid at pipi ka sa katotohanang wala ka naman talagang maipagmamalaki bilang Filipino. Ano bang nagawa mo? Bukod sa pagparty mo gabi gabi, na nakakatulong ka sa kabuhayan ng ibang tao, ano pang nagawa mo bilang Filipino? Nag-aaral ka diba? Anong pinagaaralan mo? Geometry? Chemistry? Math? English? E Filipino? Pag Filipino parang petiks petiks ka na lang e, diba? Kailangan ka pang pahirapan ng guro para matauhan ka.

Mahirap man tanggapin, hindi talaga tayo nakakatulong sa bansa. Panay reklamo, puro tayo welga, puro EDSA, puro rally, pero tayo ba sa sarili natin nakagawa tayo ng kontribusyon upang maitama ang matagal ng mali?

Lagi kong sinasabi sa sarili ko (ngayon sasabihin ko na sayo), na likas na malibog ang isang tao. Sa totoo lang, nakakainis ang libog, kasi naiinis din ako sa populasyon ng bansa. Ngayon kung tingin mo walang sarap sa Condom, sige go magbuntis ka ng maaga, tingnan natin kung masarap din magkaanak na hindi mo pinaghandaan. Isa pa, ‘yong mga anak ng anak na kala mo milyonaryo kung mag-anak, mag-isip isip ka neng, hindi ka ba naaawa sa anak mo?

Buti pa ‘yung mga may-kaya, sila pang hindi magkaanak. Maniwala ka, alam ko. Obligasyon ng ama ko ang tulungan ang mga hindi magkaanak, at hindi biro ang halaga na isinasakripisyo ng mga ito para lang magkaanak.

Hindi konkreto ang imahen ng bansa para sa’kin,hmm.. hindi pa.

Hindi man ako boboto ngayong eleksyon, masasabi ko na sapat na na kilala ko ang bansa natin. Karapatan ko ang bumoto, pero ayoko na sigurong mag-risk ng tiwala sa isang kandidato. Ayokong bumoto ng isang tao na kung manalo man siya at mangyari lahat ng nangyayari sa bansa natin, natatakot akong sisihin ang aking sarili sa pagboto sa taong ito.

Pagdadasal ko ang lahat ng boboto. =) Siguro ‘yun na lang muna sa ngayon ang kaya kong gawin sa bansa, kasama na ang mga bagay na natutunan ko para sa ikauunlad nito.

Ang boto mo ay mahalaga, siguraduhin mong tama ang iboboto mo. Sana sa pagdating ng bagong gobyerno, lahat ay may kanya-kanyang maliliit na kontribusyon para sa bansa, sa simpleng pagkilala ng bansa, malaki na ang maitutulong mo.


Dahil sa mga simpleng bagay nagsisimula ang mas malalaki at mahahalagang bagay, CHECK?

1 comment:

Anonymous said...

check check! I love how you think :)