pambihira naman talaga o.
paalam, ingles, wala akong gana na gamitin ka ngayon. ito ako pag masama loob. ito ako pag iritable. ito ako pag walang gana. ito ako. masama loob, iritable at walang gana. sino ba kasing nagsabing gusto ko 'to? sino ba'ng nagsabing gusto ko ng ganitong buhay? ano ba naman 'yung mamuhay ng simple, kahit piso't mga tiket ng bus lang laman ng pitaka ayos lang, basta may pangkain at pamasahe. 'di naman talaga pera ang sagot sa lahat. akala mo ba paliligayahin ka ng isang libong piso? syempre hindi, kulang pa sayo 'yun. kailan lang napaisip ako bakit bigla nalang nagbago lahat. iiyak tapos iisipin lahat ng nangyari dati, pucha ang saya, bakit ngayon ganito na? anong ginawa namin bakit kami sinumpa ng mga kung sino mang gago? sino'ng hindi namin tinulungan pag oras na humingi ng tulong sa'min? ang tigas naman ng mukha ko kung sasabihin kong, 'dapat kami din tulungan niyo'. pero hindi rin ako kasing-hudas ninyo na walang pakiramdam, na walang pakealam, pero kung 'yun ang dapat, sige, maghudas-hudasan tayo lahat.
sa dinami rami ng pwede kong sabihin ngayon, isa lang talaga ang sagot sa lahat: putanginagustokolangmagmura.
walang maitutulong. walang mababago. pero masarap sa pakiramdam. masarap maglabas ng galit sa ganitong paraan. parang taeng mahirap ilabas na pagkatapos ng ilang oras na pag-ire nailabas din sa wakas. kaso kulang pa yan. kulang pa ang isang mura para mailabas lahat. kulang pang isumpa ko lahat ng panget sa mundo para gumaan na ang bigat ng bituka ko. seryoso, alam kong hindi lahat ng pamilya perpekto, kaya nga tanggap ko na ang higanteng balat(ba-lat) sa puwet ng pamilyang 'to. habangbuhay ko na sigurong dadalhin 'to hanggang sa mamatay nalang kami lahat.
kung tutuusin, ngayon lang ako naging ganito ka-bukas sa blag na 'to. matagal na panahon din akong nagpaka-sosyal na masabi lahat ng pinagdadaanan ko dito. palagi akong gumagamit ng mga makikinang na salita, 'yung di madaling basahin pero mababaw lang naman. ayoko kasi ng straight to the point. hirap ako magpaliwanag kapag masyadong nakakalula lahat ng emosyong umiikot sa'kin.
minsan parang ayaw mo nalang gumalaw. minsan gusto ko nalang mag-anyong fetus sa kama buong maghapon at magdasal, umiyak at umasang lahat ay matatapos din. pero ang masaklap dyan, kailangan kong mabuhay, dahil 'di ako pwedeng sumuko. hahalakhak lahat ng mga hudas sa paligid kapag nalaman nilang sinukuan ko lahat ng delubyo sa buhay. kaya dapat mas laksan ko ang paghalakhak dahil 'di ko rin naman masasabi kung ano pang basura ang itatapon sa'min ng Diyos.
mahirap magsalita ng tapos dahil araw-araw may panibagong leksyon at mga pagbabagong gusto mo na lang iyakan ng dugo at laway. hindi ko alam kung saang impyerno pa kami dadalhin ng Diyos. hindi ko alam kung hanggang kailan niya kami balak parusahan. pero alam kong nanggaling na kami dito. paulit-ulit lang kaming binabalik dahil alam niyang, kulang pa, kulang pa ang proseso ng pagtutulis sa'ming humahabang mga kuko. namputanginatalagawalanakongkwenta. siguro bukas iba nanaman ang magiging ihip ng hangin. pero sa ngayon, kailangang magpakabirhen muna 'ko't umasang lahat ay magiging maayos din.
No comments:
Post a Comment