RANDOM FACTS ABOUT ME:
1.) Gusto ko ang kulay Pink, Green, Black at White.
2.) Mahilig ako sa maalat tsaka matamis.
3.) Mas gusto ko ang white chocolate unlike any other chocolates. hahaha.
4.) Grabe ako magkalat. Pero pag naglinis, grabe din. twice a week lang ako nakakalinis ng kwarto ko.
5.) Naglalaba ako ng sarili kong damit.
6.) Nagcocommute ako. Nilalakad ko mula amin hanggang school. HAHA. joke. Mula amin hanggang uniwide. Exercise
7.) Mabilis akong maumay sa pagkain. Mabilis akong magutom.
8.) Palaging may chichirya sa kwarto ko.
9.) Madaling maglagas buhok ko. (SO?)
10.) Marunong na ko magdrive!!! :) Yehey.
11.) Procrastinator ako! SOBRA!
12.) Bihira akong magka-crush sa lalake. Pihikan ako sa itsura. Hahaha!
13.) Marami akong crush na babae.
14.) Gusto kong maging Taylor Swift kahit isang araw lang.
15.) Mahilig akong mag gitara pag walang ginagawa.
16.) Mahilig akong magpicture ng sarili pag masaya ako.
17.) HINDI AKO KUMAKAIN NG GULAY.
18.) HINDI AKO UMIINOM NG TUBIG LANG.
19.) Close kami ni mama. Super kabaliktaran sa tatay ko.
20.) Hindi alam ng tatlo kong kapatid ang tamang spelling ng pangalan ko.
21.) Dalawang oras ako mag-ayos ng sarili bago pumuntang school.
22.) Pangarap ko ang Shih Tzu. Ever since God-knows-when! Hayyyyyyy.
23.) Kinakagat ko ang straw.
24.) Umiiyak ako gabi-gabi pag may naaalala akong malungkot.
25.) Nasasabihan ako palagi ng kaibigan ko, "Natawa naman ako doon, hindi mo alam? Hwe?" Talino niya kasi. Epal. Hahahaha.
26.) Pag nag-crave ako ng pagkain, nako, araw araw yan.
27.) Hindi pwedeng lumampas ng 8 hours ang tulog ko. Kasi sasakit na ulo ko.
28.) Brutally honest ako. Ayoko ng nagsisinungaling o nagpapanggap.
29.) Selosa ako.
30.) Kaya kong mabuhay mag-isa. Swear.
Ayun lang. Titingnan ko next year kung ganito pa rin ba ako. Wala lang. Titingnan ko lang kung magbabago ba ko o hindi. :)
No comments:
Post a Comment