Pages

Monday, September 22, 2008

Antiparang Basag.

Sabi nila, kapag nakagat mo daw ang dila mo, ibig sabihin may nakakaalala sa’yo. Totoo ba ito? Edi ibig sabihin may nakakaalala sa’kin sa mga puntong ito! Sino kaya? Ikaw noh? Aminin! sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ako nagbblog ngayon. Nakikipagsabayan lang ako. Bandwagon! Haha!

Babala: MAHABA TO. kung tinatamad ka. wag mo nang basahin.:)

Masarap talagang mangarap. Isa ito sa mga bagay na masarap na, LIBRE pa!

Pangarap kong maging isang bokalista-gitarista at magkaroon ng banda.

Pangarap kong magkaroon ng kakambal na lalake.

Pangarap kong sumipol at tumambling sa alambre.

Pangarap kong matulog katabi ni Lougee Basabas.

Pangarap kong maging propesyonal na manlalangoy at lumangoy sa pera.

Pangarap kong ikasal sa ilalim ng dagat.

Pangarap kong magaral sa Hogwarts.

Pangarap kong maging lalake at mapangasawa si Jessica Alba.

At sabi nga nila, be careful with what you wish for.

Pero ayos lang kung magiging totoo ito lahat. Go! Haha!

Isa ba talagang katangahan ang umalis sa bahay nang magkaiba ang pares ng tsinelas mo?

Bakit? Istayl yun diba? Pero paano kung hindi mo talaga namalayan?

Oo na. tanga na ko.. Kaya siguro ang daming tumitingin sa kin kanina.

Gaano nga ba kahirap ang pigilan ang atsing? Parang damdamin na mahirap ilabas.

Kaya mo bang umatsing ng nakadilat? Parang kapeng malakas ang tama.

Sabi ng tatay ko, muka na daw akong mop dahil sa buhok ko.

Sabi ko naman:

OKAY.

Ayoko pa kasi magpagupit. Pero malapit na. maghintay ka lang tay. Ikaw una kong mo-mopin.

Anyway.

Narinig mo na ba ang salitang “burador”?

Paborito kong salita yun e, kasi hindi lahat may alam, pero pinipilit nila ko, kaya sinasabi ko rin.

Kailan ba nagiging burador ang burador? Kapag wala talagang kwenta ang mga nakalagay? Kapag puro kalokohan? O kapag maayos at plaplantyahin na lang?

Kung hindi mo alam ang burador, pasensya. ;)

Bakit nga ba naging purple ang kulay ni Barney? May purple bang dinosaur?

Bakit ba kailangan pang pag-aralan ang Chemistry? Bakit ba masyado nating pinapakeelaman ang mga bagay na hindi naman natin nakikita? Tulad ng pag-ibig.

Naniniwala ka ba sa tadhana? Ako oo


Ito ay isang makatotohanang alamat:


..Isang araw ay nawalan ako ng puwang sa isang asignaturang napili ko, kaya’t napunta ako sa isang asignaturang hindi ko naman talaga ginusto. Sa asignaturang ito, mayroon akong isang kaibigang nakilala. Hindi ko akalain na magiging malapit kami sa isa’t isa. Pero heto na kami ngayon, kulang na lang e maging more than friends kami. (yikeeee) at kung hindi dahil sa kanya, hindi ako mapapasali sa isang organisasyon, at kung hindi dahil sa organisasyon na iyon, malamang e muka pa rin akong Loner sa paaralan ko ngayon. Salamat! P.A. 125


Naranasan mo na ba ang matinding hagupit ng kamalasan?
Ang makuhaan ng Selpon? Masaklap dalawa pa.

Ang pagkasira ng digital camera? Tipong tumalon pa sa swimming pool.

Anu-ano na ba ang mga trahedyang iyong naranasan?

Ang mapaso ng plantya? Ang mahulog sa hagdan? Ang maaksidente sa bisekleta? Ang muntikang paglunod? Ang magsuicide? E ang magmahal?

Bakit ko ba ‘to sinasabi?

Sabi sa’yo e, wala na kasi sa katinuan ang utak ko.

Wasak

bakit ba nauso ang salitang “joke” ?!!

alam mo ba ang Alamat ng 3-legged Cat sa UP DILIMAN?

Ako alam ko. Kakakwento lang sa’kin kanina. Gusto mo ikwento ko? Bigyan mo muna ako ng dahilan kung bakit apat ang paa ng pusa.

Totoo ba ang Moralidad? ENGGG. Philo fever.

May panaginip ka na ba na nagkatotoo? Ako meron.

E panaginip na gustong magkatotoo? Ako din meron.

Sige na. tama na sa kalokohang ito. Tatapusin ko na.

Pati ako wala nang maintindihan.


Kung binasa mo ito hanggang sa huli, SALAMAT! Kung hindi, SALAMAT PA DIN. ;)

No comments: